bc

Until We Meet Again

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.4K
READ
arrogant
comedy
bxg
humorous
enimies to lovers
sassy
like
intro-logo
Blurb

She's The Lost Princess Book Two

Akala ko madali lang lilipas ang sinasabi niyang takdang panahon, hanggang ngayon hawak hawak ko pa rin yung mga katagang sinabi niya saakin na kung para talaga kami sa isa't-isa gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para pagkrusin ang mga landas naming dalawa.

Pero bwisit na tadhana ito at talagang hobbyng paglaruan ang buhay ko.

Nangako siya... pero bakit parang hindi niya na naalala?

- Narumi

Disclaimer: still unedited, read at your own risk

Book cover credits to the rightful owner

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1: The party Emerald Asuna Lahat sila ay abala sa paghahanda para sa birthday ko, ewan ko ba hindi ko naman debut pero grabe ang preparasyong nagaganap. Noong una ay hindi ako pumapayag dahil una sa lahat hindi naman importante kung bongga ang celebration ang importante ay mairaos pero ayaw nilang magpaawat. Wala naman akong magagawa eh kahit ata magwelga ako dito hindi nila ako papansinin. It's my 23rd birthday BTW ang bilis no, it's been 8 years parang kailan lang ang bilis talagang lumipas ng mga araw feeling ko kahapon 15 pa rin ako. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa may veranda, nakaharap ito sa garden ng bahay namin na may iba't-ibang klase ng bulaklak. Mahilig si Mama sa halaman at doon niya inuubos ang oras niya kapag wala siyang magawa. Tanaw na tanaw ko dito ang napakalawak naming bakuran, lahat ng mga ito para saakin ay nakakapanibago. Hindi ko alam kung kelan ako masasanay sa ganitong klase ng pamumuhay but I have to. Siguro kailangan ko ng tanggapin na yung buhay na nakasanayan ko kahit kailan hindi ko na mababalikan pa. Ok naman ang buhay ko kasama ang mga Takahashi, pwera na lang sa privacy issue. Marami kasing mga reporter ang palaging naka-abang sa kilos ko kaya nga limitado palagi ang mga ginagawa ko. Feeling koi sang pagkakamali ko lang baka magkaroon agad ng world war 3. Saklap lang ng buhay ko. Nakarinig ako ng katok sa pinto, pinapasok ko kung sinu man yun at si Samantha lang pala iyon ang assistant ko. She's wearing her usual attire na pang-office at nakabun ng maayos ang buhok niya. Mas matangkad siya saakin at maganda rin kaya nga lang ay boing kasama. Madalang lang siyang magsalita siguro sa isang araw kayang kaya mong bilangin ang mga sinasabi niya. "Anung kailangan mo?" tanong ko sa kanya pero nakaharap pa rin sa veranda "Kailangan niyo ng maghanda, maguumpisa na ang pagtitipon" matagal bago ako nakasagot, naisip ko kasi na kahit hindi ako pumayag ay hihilahin o baka kakaladkarin nila ako pababa doon. Tamad akong tumayo sa couch ko, inayos ko ang dress ko na simple lang ang design. Umuna na si Sam sa baba at sumunod naman ako sa kanya. Mula dito sa taas ay kita ko na ang ilang bisita na inimbitahan nina Mama. Hindi ganon kabongga ang celebrasyon dahil bilang lang ang inimbitahan na ikinatuwa ko. Siguro ay dapat na akong maging masaya dahil kahit papaano hindi naging fiestahan ang bahay namin. Pagkababa ko ng hagdan ay sinalubong kaagad ako ni William at Liam, tinanguan ko lang sila bago ko ibinigay ang kamay ko sa kanilang dalawa. Parehas silang nakasuot ng tuxedo ang kaibahan nga lang ay kulay dahil ang kay kuya Liam ay puti at kay William naman ay itim. Inihatid nila ako kina Mama at Papa na may kausap na sa tingin ko ay mga mahaharlika din base sa paraan ng pagkilos nila. Nginitian ako ng kausap nila Mama at ganun din naman ang ibinigay ko kahit sa loob loob ko ay plastic ang gusto kong isigaw. Tama plastic ang babaeng kaharap ko ngayon na kaedaran ni Mama. Wala bang lighter diyan? "So you are the only daughter of Arthur and Princess Belinda Takahashi. What a beautiful girl manang mana ka sa Mama mo" pinilit kong bigyan siya ng ngiti na hindi pilit magalang kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Hindi muna ako umalis sa table kahit na gustong-gusto ko na ayoko namang maging bastos sa harapan ng bisita nina Mama. Nakikinig lang ako sa usapan nila na karamihan ay tungkol sa negosyo at tungkol sa kabataan nila. Nag-excuse ako sandali para gumamit ng banyo, may mga ilang bumabati saakin habang papunta ako sa CR. Karamihan sa mga bumabati ay tango lang ang isinasagot ko. Pagkagaling ko sa banyo naisipan kong huwag na lang dumeretso sa table nila hindi ko naman kasi naiintindihan yung mga pinag-uusapan nila. Para akong engot na nakikisabay sa pagtawa kahit hindi ko naman alam kung anu yung pinagtatawanan nila. Nagpunta ako garden, nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin at nakakarelax yun. Pinikit ko yung mga mata ko para pakiramdaman ang panunuot ng lamig sa balat ko. Nagtaka ako ng parang nagging mainit at isang coat ang natagpuan ko na nakalagay sa balikat ko. "Anung ginagawa mo dito? Masyadong malamig sa labas you should go inside" "Salamat sa coat ibabalik ko na lang mamaya" tinanguan ako ni Kit "You look sad, not the usual Narumi na masiyahin at puro kalokohan ang alam" tiningnan ko si Kit habang naglalakad siya sa papunta sa fountain. Malaki na rin ang ipinagbago niya kagaya ng iba he is now a successful photographer hindi lang dito sa Pilipinas pati Internationally. "Talaga? Parang hindi naman, ganito lang talaga ako siguro malabo lang iyang mata mo" natatawa kong sabi, nakasalamin na kasi siya at palagi ko siyang inaasar tungkol doon. Nakakatuwa kasi ang bilis niyang mapikon. "Ineexpect mo na dadating siya" hindi ako nakaimik sa sinabi ni Kit, natahimik ako at hindi alam kung paano sasagot. Para akong naputulan ng dila "Hanggang kailan ka maghihintay? Hindi ka ba nagsasawa, you know it's been 8 years. Alam mo kung gusto ka talaga niyang balikan matagal---" "Tama na, Kit" medyo tumaas ang boses ko, ayokong marinig ang gusto niyang sabihin. Ayokong ipamukha nanaman nila saakin ang lahat. Tumayo ako sa kinauupuan kong bench at lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang coat niya sa balikat ko at ibinigay sa kanya, tinapik ko ang balikat niya "Umuna ka na sa loob susunod ako" nakita ko ang pagtutol sa mukha niya pero kalaunan ay bumigay din. Bumuntong hininga ako ng malalim atsaka pinagmasdan ang repleksyon ko sa tubig ng fountain. Ibang-iba na ang Narumi na nakikita ko, wala na yung Narumi na masiyahin, loko-loko tanging nakikita ko na lamang ngayon ay isang babae na may malungkot na mga mata. Isang babaeng hanggang ngayon ay matiyaga pa ring naghihintay sa isang taong walang kasiguraduhan kung babalik pa nga ba o hindi na.                                                                                                          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook