Chapter 35 Mataman akong nakipagtitigan kay Alcott he is smiling from ear to ear at hindi ako natutuwa doon. Paano niya nagagawang ngumiti na parang walang nangyari samantalang may nagawa din siyang kasalanan saakin? Paano niya naatim na makatingin saakin ng diretso sa kabila ng paglilihim niya ng totoo niyang pagkatao? Nanginginig ako dahil sa nakikita, hindi ako makapaniwal pakiradam ko nananaginip lamang ako ng masama. Ang dami kong gusting sabihin pero para akong napautulan ng dila dahil wala akong masabi kahit na isang salita. Hindi ko akalain na isa din palang manloloko ang taong ito na nasa harapan ko. Pinaikot niya ako, ginawang tanga, pinagmukhang katawa-tawa. Hindi ko mapigilang ikuyom ang mga kamao ko sa magkabilang gilid ko. Gusto kong magalit gusto ko siyang sugurin dahil m

