Chapter 7

1348 Words
Chapter 7 London. Nakatingin ako sa overlooking ng suite na pinareserve saakin ni William habang umiinom ng hot choco. Kararating ko lang galing airport, nagulat nga akong may naghihintay na saaking driver at ilang body guards. Hindi ko nga sana tatanggapin dahil syempre kapag pinagpatuloy nila itong special treatment nila saakin edi malalaman nina Mama ang pinaplano ko. Hindi lang yun marami ding tao ang makakakilala saakin. May logo kasi yung kotse ng royal family. Kaya lang ako napilitang tanggapin ang alok niya kasi tinakot niya akong susundan dito kasama si Kuya Liam na mas paranoid pa kay Tatay Ben pagdating sa seguridad ko. Wala naman akong magawa dahil wala naman akong masyadong alam dito at baka nga mawala pa ako dito kaya tinaggap ko na rin since alam ko namang hindi niya ako ipapahamak. Pero sinabi kong hindi nila ako pwedeng lapitan kungbaga magiging secret bodyguards sila para naman hindi agaw pansin. Mamaya niyan mapagkamalan pa akong criminal nito. Kanina ko pa iniisip kung paano ako magsisimula sa binabalak kong Operation Paatrasin ang McKenzie sa Promise wedding na yun. Mahirap kasi wala akong clue kung saan ba sila nakatira tanging lugar lang ang alam ko, hindi rin naman alam ni William dahil bata pa lang daw kami nung huli naming nakita ang pamilyang yun. Sa kasamaang palad kababata pa ata namin ang sinasabi ni GrandMomsy na nakatakda kong pakasalan. Hindi ko na talaga yun matatandaan dahil 5 pa lang ako nung mga panahong yun. At wala rin naman akong balak alalahanin basta umatras siya sa sakal este kasal na ito at baka makipagkaibigan pa ako sa kanya. Anyway, ang ganda ng view dito sa hotel kitang-kita ang city lights. Ilang beses na akong nakapunta dito sa London dahil dito nakatira sina Lola pero hindi ko pa rin mapigilang hindi humanga. Pero ito ang unang beses kong mag-isa hindi naman ako pwedeng tumuloy sa bahay namin dito at baka madeport ako ng di oras. Nakakatakot pa naman sina GrandMomsy at Mama mag-ina nga sila. Kung anu ang puno siya ang bunga. Bukas na bukas, mag-uumpisa na ako sa paghahanap. * Pagkatapos kong mag-almusal ay umalis na kaagad ako sa hotel. Naka-suot ako ng hoddie jacket na kulay black rubber na puti at black ripped jeans nagluluksa lang eh anu. Anyway nagpara na ako ng taxi aba mamasyal muna ako hindi lang naman sa McKenzie na yun iikot ang adventure ko dito sa London. Ngayon ko nga lang to gagawin dahil kapag talaga kasama ko sina Mama pati ang mga bodyguards limitadong lugar lang ang napupuntahan ko. Naiintindihan ko naman yun dahil para din naman yun sa seguridad namin, kaya lang syempre hindi naman yun ang nakasanayan ko. Kaya pakiramdam ko nasasakal ako sa sitwasyon ko. Para bang nakakulong ako. Mabuti na lang at nauso ang google map dahil yun ang ginagamit ko ngayon sa pagiistroll. Busog na busog ang mga mata ko sa mga nakikita ko, ang sarap sa feeling kasi nakakakilos ako ng normal yung walang nakatingin, walang manghuhusga. Walang mga kamera sa paligid. Kain lang ako ng kain ng ice cream na nabili ko sa isang stall kanina, mukha kasing masarap at hindi nga ako nagkamali dahil masarap nga. Muntik na nga ako kanina kasi naman yun tindero parang namumukhaan yata ako mabuti't magaling akong magpalusot kaya naabswelto ako. Sa susunod nga magsusuot na ako ng mask para walang makakilala saakin. "Ay bastos!!" nagulat ako ng may biglang bumangga saakin kaya nalagyan ng ice cream ang hoodie ko, "Sorry Miss I'm in a hurry---" mukhang may tinatakasan ata kasi parang nagmamadali. Not so fast mister, hinigit ko yung kamay niya tatakas pa siya huh "Look I don't have time to get you a new one because I'm in a hurry" hindi ko pa rin binitiwan yun kamay niya kahit na nagtaka na siyang tumakbo. Bakit? Ewan ko malay niyo makaganti rin ako sa kanya sa ginawa. Favorite hoodie ko pa naman ito. Ang sama nan g tingin niya saakin sobra, kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakabulagta dito. "Let.Go" may diin sa bawat salitang pinakawalan niya, pero dahil pinanganak akong matigas ang ulo ay hindi ko sinunod. Mag-sorry muna siya ng ayos hindi yung akala mo nakikipagmarathon siya. Maya-maya ay may mga naririnig akong ingay sa likod namin at nanlaki ang mga mata ko, papunta sila sa direksyon namin!! Huwag niyang sabihing ito ang mga humahabol sakanya?? Naririnig ko ang mahina niyang pagmumura, and in just one swift move ay hila-hila na niya ako patakbo. * "Bakit ka ba hinahabol ng mga yun!!" matapos ang ilang ikutan at takbuhan ay natakasan namin yung mga humahabol sa kanya nakahawak na ako sa dalawa kong tuhod sa sobrang hingal. Jusko anu ba tong pinasok ko? Paano kung criminal pala ang lalaking ito? Edi nadamay pa ako? "Kasi may ninakaw ako" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, kasi naman yung pagkakasabi niya parang wala lang sa kanya yung ginawa niya. "Joke. Naniwala ka naman?" sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam pero ang gwapo niya kapag ngumingiti may dimples kasi. Pero walang malisya sadyang marunong lang akong magapreciate sa mga nakikita ko. "Nakakatawa, maiba ako bakit ka ba nila hinahabol?" "Pakialam mo?" aba't may attitude ang g*ago. Bipolar siguro ang isang ito, kanina lang kasi panay ang ngisi niya ngayon naman grabe kung makataas ng kilay. Konti na lang at baka isipin kong takas siya sa mental kaya may humahabol sa kanya. "Sungit huh, nagtatanong lang naman malay ko ba na magnanakaw ka pala" "Itong mukhang to? Magnanakaw? You gotta be kidding me" ayan nanaman yung ngisi niyang mapanginsulto.  Ang yabang talaga, kung makapagsalita psshh hindi na lang ako umimik pa at humanap ng pwedeng maupuan. Hahanapin ko kung saang panig ba kami ng London nakarating. Sigurado akong nakita ng mga bodyguards ko ang nangyari kanina. Baka magpanik pa ang mga yun mabuti ng unahan ko na sila.  "Hindi ka tagarito ano?" napapikit ako... sa gulat bakit bigla bigla na lang kasing nagsasalita ang lalaking to. Take note nasa tabi ko na siya kaagad. Hindi ko naman magawang lumingon kasi baka alam niyo na. Hindi tuloy ako makapagfocus sa ginagawa ko. "Parang ganun na nga. Bakit mo natanong" pinilit kong maging normal kahit na pinagpapawisan na ako, hindi naman kasi dapat ako nakakaramdam ng ganito eh. Pero siguro nga normal lang sa mga babae ang maintimidate kapag may mga lalaki sa paligid   "Wala lang, mukha ka kasing uto-uto yung madaling maloko"  "joke ba yan?" sabi ko pero may pagkasarcastic kung kanina naiilang ako sa kanya ngayon hindi na. Eh siya nga hindi nahihiya sa panlalait saakin kaya hindi na rin ako mahihiya sa ungas na ito na feeling close.  "Hindi, ang totoo niyan--- Ah" inapakan ko ang paa niya sinadya kong laksan yun. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng isang to. Akala ko pa naman ang bait-bait yun naman pala may itinatago rin pa lang kasamaan sa katawan.  "Ang rahas mo naman? Hindi ba pwedeng patapusin muna ang nagsasalita bago manakit?"  Inirapan ko lang siya, serves you right jerk.  "Hindi ko sila tinatakasan kasi may nagawa akong masama, kung itatanong mo kung anu? hindi ko pwedeng sagutin masyadong personal"  Hindi ko naman siya tinatanong pero ok na rin kasi atleast nasagot na rin yung tanong ko kanina hindi nga lang ganun kalinaw.  "Anung pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo"  Tinitigan ko siya, mas nakikita ko na ng ayos ang mukha niya kesa kanina na natatabunan ng hoodie ng jacket niya. Ilang sandali ko yung tinitigan ng maigi, teka hindi ba't ito yung lalaking nagbigay saakin ng payong nung umuulan?  Pero bakit ganun parang hindi naman niya ata ako naalala? Haisst hayaan na nga baka hindi niya lang talaga nakita ng malinaw ang mukha ko. At dahil may ginawa naman siyang kahit kaunting kabaitan saakin kakalimutan ko muna kung paanoniya ako lait-laitin. "Narumi, Narumi Gail Cruz"  Hindi ko sinabi kung sinu talaga ako, pangalan ko rin naman kasi to no atsaka baka hindi na rin kami magkikita ng ungas na ito. "Alcott Sebastian" At nagshakehands kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD