After some minutes naka dating din kami sa mansion. Pagdating naming ay hinihintay na ako ni Manang Cecilia sa labas pa lang ng bahay.
Ipinark muna ni Drake yung sasakyan at saka kami bumaba na dalawa.
Papasok pa lang kami nong pinigilan kami ni Manang Cecilia.
“Miss Avie, sa patio daw ho kayo mag-uusap ni Ser, dumating po kasi si Seniorita Alanna ngayon.”
Sabi ni Manang Cecilia sa akin na agad ko naming naintindihan. Andito pala ang prinsesa kaya pala bawal pumasok ng palasyo ang sampid, mapait lang akong ngumiti at tumango kay Manang.
Isang malungkot naman na ngiti ang ibinigay nya sa akin.
Pagdating naming sa patio nakita naming si dad na nakaupo at umiinom ng wine.
“Good afternoon po Dad,” bati ko sa kanya.
“What is the meaning of this?!” sigaw ni Dad sa akin ng hindi manlang bumabati ibinato nya din sa akin yung mga pictures ko na hawak hawak nya.
“Hindi ba sinabihan na kitang tigilan mo ang pagmomodelo?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!” galit na galit na sigaw nya sa akin.
“Gusto mo ba talagang itakwil nalang kita nang ayusin mo yang buhay mo ha Avrielle?! You are nothing but a disappointment to me!” galit nag alit na sigaw nya sa akin.
“Dad kaya ko naman pong isabay sa pagaaral ko, top 1 nga po ako sa college batch ko kahit pa nagmomodelling ako. I just really want to do this, hindi po ba pwedeng ibigay nyo na sa akin to?” tanong ko ng mahinahon kay Dad.
Inis na ibinato nya yong baso sa gilid ko dahilan para mabasag yon.
Lumapit sya sa akin at saka ako dinuro.
“Hindi kita pinalaki at pinag-aksayahan ng pera para lang lumakad ng lumakad sa entablado! Pinag aaral kita sa magandang eskuwelahan para pagdating ng panahon makatulong ka sa kompanya! Ano nalang ang maitutulong mo kung puro ganyan ang gagawin mo ha?!” galit na galit na sabi nya sa akin.
“Dad! Ito nga lang! Ito lang yung gusto ko dito ko masaya bakit pati ito bawal?!” sagot ko naman sa kanya.
Itinaas nya yung kamay nya para sampalin ako, pumikit ako at inantay na lumapat yung kamay nya sa pisngi ko pero hindi ko yon naramdaman. Next thing I know nasa tabi ko na si Drake at pilit na pinipigil yung kamay ni Dad para hindi tumama sa akin.
“Ito ba ang ipinagmamalaki mo Avrielle? Itong Lacson na ito kaya hindi mo na gustong sumunod sa akin ha?!” umamba sya na hahablutin ang kamay nya at susuntokin si Drake pero napigilan ulit iyon ni Drake.
“Congressman, with all due respect hindi ko po hahayaan na saktan ninyo si Akiesha lalo na pag alam ko. Alam ko po na Karapatan ninyo para dumisiplina ng anak, Karapatan ninyo na pagsabihan sya at bawalain sa mga bagay na sa tingin ninyo ay hindi makakabuti sa kanya pero hindi po kasama sa Karapatan ninyo ang saktan si Akiesha, hindi po kasama sa Karapatan ninyo na paulit ulit syang balewalain, itago at iupo sa isang tabi na parang hindi niyo anak. Alam ko po na wala akong alam sa relasyon ninyo sa pamilya ninyo, o kung pano kayo bilang isang ama. Pero may isang bagay po akong alam at yon ay ang pagmamahal ng magulang wala pong katumbas, hindi ko pwedeng sabihin sa inyo na mamahalin ko si Akiesha ng higit sa pagmamahal nyo.” sabi ni Drake kay Dad.
Hawak hawak pa din nila ang kamay ng isa’t isa.
“Pero ang kaya ko pong ipangako ay mamahalin ko po yung anak nyo ng higit sa sarili ko kaya hindi ko po kayo hahayaan na saktan si Akiesha. You can have your guards shoot me right here right now but I will not let you lay a single finger on her. Dadaan ho kayo sa bangkay ko.”
Sabi pa ni Drake kay Dad na nagpaluwag sa hawak nila sa kamay ng isa’t isa saka sila tumingin sa isat isa ng seryoso.
Gulat na gulat ako noon. Hindi ko sukat akalain na gagawain nya iyon para sakin knowing how scary my dad is. Mag mula noong araw na yon hinayaan na ako ni Dad sa modelling hindi na sya naging gaanong mahigpit I don’t know if he realized that Drake has a point or what pero he didn’t said I was allowed to do modelling that time pero hindi nya na din ako pinipigilan as long as magaganda siguro yung takbo ng grades ko nong panahon na yon hindi nya na ako pinatatawag sa tuwing may makikita silang commercials ko or mga magazine na cover ako.
Napabalik ako sa reality when Dad suddenly talked.
“Ano ang natuklasan ninyo sa imbestigasyon?” tanong ni Dad kay Drake.
Drake looked at him and heaved a sigh.
“I am sure na alam nyo na po yung ibang bagay na sasabihin ko, imposibleng hindi nyo malaman dahil nalaman nyo ng ana nag-iimbestiga ako,” sabi ni Drake.
“Luckily po, hindi si Akiesha yung babae na ibinurol ninyo sa mansion. Maalaki ho ang posibilidad na buhay si Akiesha and I am doing my best to find her. Ibabalik ko po si Akiesha,” Drake said to my father seriously.
Biglang nagbago yung itsura ni Dad, kanina seryosong seryoso sya pero ngayon lumambot yung expression nya.
I saw how bad he tries to hold his tears back.
“That was all I wanted to hear Lacson,” sagot ni Dad sa kanya.
“I know that wasn’t my baby girl. Hindi ako naniwalang si Avrielle iyon. Hindi ko din kayang tanggapin. Hindi lang ako maka kilos ng basta basta dahil alam kong masyadong maraming matang naka tingin. Natatakot ako nab aka dahil sa akin kaya nangyari sa kanya ang mga ito, ayokong isipin na kaya Nawala ang anak ko ay dahil sa nalalapit na halalan. Gustohin ko man na kumilos hindi ko magawa, alam kong lalong mapapahamak si Avrielle kapag kumilos ako.”
Malungkot na sabi ni Dad kay Drake. Parang gulat na napatingin naman sya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya ng malungkot.
“Akala ko ho wala kayong pakialam kay Akiesha? Bakit? Bakit ganon nyo ho syang tratuhin? Ano ho ang ibig ninyong sabihin?” nalilitong tanong ni Drake sa kanya.
Ngumiti lang ng malungkot si Dad at saka tin-nap ang shoulder ni Drake.
“Marami ka pang hindi alam ijo, kahit si AVrielle mismo marami pang hindi alam. Nasa likod mo lang ako lahat ng kailangan mo magsabi ka lang sa akin. Umaasa ako na mahahanap mo ang anak ko Lacson, ikaw nalang ang pag-asa naming na makita muli si Avrielle,” sabi ni Dad sa kanya.
“Bakit ho ipinaramdam niyo kay Akiesha na hindi nyo sya anak?” tanong ulit ni Drake kay Dad.
“Hindi ko yon kailangang ipaliwanag sayo kung hindi kay Avrielle mismo, hanapin mo ang anak ko pakiusap.”
Tipid na sagot sa kanya ni Dad at saka ito nagpaalam sa kanya.
Kahit na ako gusto ko ding malaman kung bakit, alam ko na ngayon na may dahilan si Dad at siguro baka siguro hindi naman talaga nya ako sinisisi sa nangyare kay Mama Eya, siguro hindi naman nya ako sinisisi sa pagkawala ni Mama at hindi naman sya nagsisisi na ako ang nabuhay at hindi si Mama.