Chapter 55

1085 Words
Pagka alis na pagka alis ni Dad napahinga si Drake ng maluwag hindi lang naman sya ang napa hinga ng maluwag ako din, I expected the worst because of what happened to them before luckily hindi naman ganoon ang nangyari ngayon. I am very happy with what my dad and Drake have talked about, natutuwa din ako na inaacknowledge ni Dad yung mga efforts na ginagawa ni Drake para sa akin. Hindi madali lahat ng sakripisyo na ginagawa nya para sa akin kaya kahit ako napaka laki ng utang na loob ko sa kanya. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Drake nung mapatingin sya sa akin, I know how nervous he might have been, its my Dad were talking about here kahit sino naman yata ay nenerbyosin pag sya ang kaharap. “You did well B,” naka ngiti na sabi ko sa kanya. His eyes sparkled with what I said. “What did you call me again?” tanong nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sasagot sana nung biglang dumating si Vanie, she was holding two cups of coffee. “Umalis na si Senator,” sabi ni Drake sa kanya. Umiling lang si Vanie sa kanya at ngumiti. “Para po ito sa inyo sir Drake, dapat nga po talaga ay kay Tito Achilles yung isa kaya lang po nagpaalam na po sya kay Nana Gina na aalis na daw po sya dahil may aattendan po syang meeting. Heto po yung para sa inyo Sir, two tablespoon sugar and  one tablespoon of creamer.” Sagot ni Vanie sa kanya at saka iniabot yung isang cup ng coffee. Bago tanggapin ni Drake yung cup nung coffee tumingin muna sakin si Drake as if he was waiting for my approval, natawa lang ako ng bahagya at ngumiti. “Its okay,” naka ngiti kong sabi kay Drake at saka ako tumango. “Ask her about Nana kung mas okay na ba si Nana ngayon? Kung nagiintindi pa ba sya,” sabi ko pa kay Drake. “And oh! Ask her about Vrielle, kamusta na kaya yung kompanya ko?” malungkot na sabi ko kay Drake. Vrielle has been in the business for four years now, noong bago pa lang kami ni Drake he knows how important Vrielle is for me, noong mga panahon na yon walang may gusto na sumuporta sa akin kung hindi sya lang at si Nana, sila lang yung nagtiwala sa akin yung naniwala na kaya kong magsimula ng sarili kong kompanya. Noong mga panahon na yon hindi ako kilala sa textile industry. Oo modelo ako pero hindi ako kilala sa pag gawa ng magagandang damit. Hindi naman ako nag-aral ng fashion, ni hindi ako marunong manahi, that time all I have is my passion and siguro malaking bagay din na I am a graduate of Bachelor of Science in Business Administration kasi I was able to balance the finances well and I have good foundation and core when it comes to business. Lalo na nung panahon na naghiwalay kami ni Drake, it was one of the toughest times for me pakiramdam ko noon yung kaisa-isang tao na naniwala at nagtiwala sa akin ay iniwanan din ako yung tao na inaakala kong habang panahon ko nang makakasama. I was devastated but I am also very determined. I told myself that this company, this is me and that it is going to be my legacy and indeed it happened Vrielle has been known for its quality and class. We even have international clients we provide raw materials for several big companies across asie and US. “Kamusta ka naman Vanie?” tanong ni Drake kay Vanie. “Maayos naman po Sir, kahit na sobrang lungkot ko pa din po sa nangyari kay Miss Avie talaga pong buong kompanya po ay nagluluksa pa din sa pagkawala po ni Miss Avie, minsan nga po pag mag-isa ako sa opisina naalala ko po sya, bigla nalang akong napapatayo sa upuan ko at automatic na mag-gawa ng tsaa alam nyo po kasi napaka hilig po ni Miss Avie sa tsaa.” Malungkot na kwento ni Vanie kay Drake naka yuko sya ng bahagya at pilit na pinipigalan ang mga luha sa mga mata nya. I couldn’t help but pity her, I have known Vanie for so long sya yung pangalawang secretary ko bukod dun sa sinesante ko dahil nalaman kong kabit pala sya nung isang board member ko. Ang pinaka ayaw at pinaka kinagagalit ko kasi ay yung pangangabit. I can’t be in the same room with a kabit! I can’t I just can’t please don’t judge me hehehe. “I am glad na nakikta kong inaalagaan mo at minamahal yung kompanya, I am very sure you know how much Akiesha loves her company, hindi lang dugo at pawis ang ipinuhunan ni Kiesha sa Vrielle it was everything to her. It was her haven and I am very sure na masaya sya na nakikita nyang iniingatan mo yung kompanya nya,” naka ngiti na sabi ni Drake kay Vanie. Isang tipid na ngiti lang ang isinagot sa kanya nito. “By the way, I heard ikaw yung OIC ng Vrielle ngayon?” sabi ni Drake ulit kay Vanie. Tipid itong ngumiti ulit at saka alanganin na tumango. “Gusto po ni Tito Achilles na ako muna ang mamahala sa kompanya hanggang sa maibenta po siguro ito,” sabi ni Vanie kay Drake na syang nagpagulat sa akin. “What do you mean hanggang sa maibenta? Plano ni Senator na ibenta ang Vrielle?” gulat na gulat na tanong ni Drake kay Vanie. Kahit ako nagulat sa sinabi nya, Dad knows how much I love my company. I have always thought that Vrielle is me, it is mine and it is my legacy I would never want Vrielle to go to waste! “Marami na pong investors na gusting magpull-out ng share sa Vrielle dahil po sa nangyare kay Miss Avie, marami po kasi sa investors naming ang naginvest dahil po kay Miss Avie, ngayon po na wala na sya gusto na din po nilang magpull-out ng shares.” Malungkot na sabi ni Vanie. Nalungkot din ako sa narinig ko, dahil alam ko sa sariili ko na totoo yung sinabi ni Vanie karamihan sa mga investors magbaback out dahil dun sa nangyari at ang malungkot wala ako para ayusin yung problema wala ako para controlin yung gusot kaya hindi malabo na magkaproblema talaga ang Vrielle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD