Bago kami pumunta sa HQ nagdecide si Drake na ihatid na si Alanna sa hotel nya. Nagulat nga ako at hindi sya sa mansion nagpahatid but later on I realized na baka kaya sya hindi nagpahatid sa mansion ay dahil ayaw nyang malaman ng mommy nya na hindi sya sa condo ni Drake tityra habang nandito sya sa Pilipinas. Ang alam pa din kasi ng mommy nya ay fiancé nya si Drake kaya siguradong mapapagalitan sya ni Tita oras na malaman na nagsisinungaling sya. And besides with Tita Yelana’s character? Ipinangalandakan nya na sa buong mundo panigurado na ikakasal yung anak nya sa kaisa-isang tagapag mana ng mga Lacson. Who wouldn’t want to brag Drake right? I am sure kahit sinong bibiyenanin ay ipagmamalaki din sya. Ikaw ba naman ang maging kaisa isang tagapagmana ng isa sa mga pinaka prominenteng pa

