Ilang minuto din kaming nag-uusap ni Drake bago nya napagdesisyonan na maligo na nga muna. Pupunta kami ngayong hapon ng HQ, sana lumabas na yung resulta ng DNA at sana rin may makuha kami na impormasyon sa kung saang lupalop na ng mundo nandoon si Xander. Naupo nalang ako sa mini sala nya sa kwarto at ayokong bumaba sa first floor at maka kita ng ahas na nagluluto. As much as possible I wanna keep myself away from her ayoko maubos yung oras at pasensya ko sa bwiset na babaeng yon. I have more important things to do than waste my time on her. At isa pa ayoko na maapektuhan ng galit ko kay Alanna sa kung ano man kami ngayon ni Drake at kung ano man yung mayroon sa relasyon naming dalawa. I can’t really say na totally ay ayos na kami ni Drake may mga bagay pa din kaming kailangang pag-usap

