Elisse
Pumayag ako sa suggestion ni Sean na sumama ako sa kaniya pa punta sa business trip na a-attendan niya kaya heto kami ngayon at papunta na kami sa Isla Hermosa Paraiso. Oo, pagmamay-ari nila ‘yung buong resort kaya hindi mahirap magpa-book or whatever. Nung makarating kami sa resort ay agad na nagpaalam si Sean sa’kin dahil may dadaluhan siyang meeting at mamaya na lang kami magdi-dinner at mamasyal. Business trip naman kasi talaga ang pinunta niya dito kaya okay lang sa’kin kahit isingit niya lang sa schedule niya ‘yung pamamasyal namin.
At dahil nga mag-isa lang ako ngayon dito ay naisipan kongmaglibot libot muna dito. Actually, nakapunta naman na ko dito noon, dalawang beses. Nung second date namin at nung proposal ni Sean pero hindi ako nagkaroon ng chance na libutin ‘to. This place became Sean’s escape and safe place kapag gusto niyang mag-relax at mag-unwind. And now, I understand why. Konti lang ang tao at napakahangin. Ang gaan din sa pakiramdam ng paligid at relaxing pa at napakalinis at aliwalas sa lugar na ‘to.
Mabilis nga lang akong mapagod at na-bored dahil wala akong kasama kaya napag-desisyonan kong bumalik sa kuwarto kung saan kami mags-stay and I decided na ayusin na ‘yung mga gamit namin ni Sean dahil matagal tagal rin kaming mamamalagi dito. Siguro ay mga tatlong linggo din. Mamaya na lang siguro ako maglilibot pag nakabalik na si Sean at kapag sunset hours na.
Nung makabalik ako sa kuwarto ay Isa isa kong nilabas ‘yung mga gamit ni Sean sa maleta niya, inuna ko yo’n kasi ‘yung akin naman ay naka-organized na at ilalabas ko na lang isa isa pero ‘yung kaniya mukhang hindi pa organize at medyo magulo pa.
Nilalabas ko isa isa ‘yung mga gamit niya nung biglang may mahulog na isang kuwintas, bumagsak ito sa pocket ng jacket niya paglabas ko sa maleta kaya agad kong pinulot yo’n para sana ibalik.
Wala naman akong balak tignan yo’n pero na curious lang ako sa laman at dahil ngayon ko lang nakita ‘yung necklace na yo’n sakaniya kaya nagdesisyon akong tignan yo’n.
Pagbukas ko sa locket necklace na ito ay bumungad sa’kin ang litrato ni Sean kasama si Sammy. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga puntong ito. Hindi ko namamalayan na nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko. I guess, Sean’s Mom is right. I can never be Sammy and Sean can never love me the way he loved Sammy.
“Flashback”
5 months ago
“Napakagulo naman ng mga gamit ni Sean!” I loudly whispered habang inaayos ko ang mga gamit niya dahil naglilinis ako ng kuwarto ngayon kasi bukod sa magulo ay may padating kasi kaming bagong furniture. Inisa isa kong tinaggal lahat ng damit sa closet ni Sean para ayusin at i-organized iyon. Eto kasing si Sean hindi man lang inaayos ang pagkuha ng damit niya ayan tuloy napakakalat ng cabinet niya!
Pupunasan ko sana ‘yung loob ng closet kasi maalikabok pero may nakita akong isang maliit na box sa baba nung closet, umandar ang kuryusidad ko kaya naman binuksan ko iyon para makita kung anong laman no’n.
Nung nabuksan ko yo’n para siyang isang maliit na safety locker. I got curious but I can’t just open it kasi may passcode and I don’t know what the passcode is. Susuko na sana ako nung mahulog ‘yung isang jewelry box na nakapatong sa hita ko habang naglilinis. Kay Sean din kasi yo’n pero di na ko nag abalang buksan, nung nahulog yo’n ay dali dali kong pinulot lahat ng laman hanggang sa may isang singsing na pumukaw sa atensyon ko. Nakita ko siyang parang may naka engraved na numero do’n.
“05-07-94.” I whispered and look back at the secret locker. I tried to enter the number sa locker and it worked!!
Nung mabuksan ko yo’n, do’n bumungad sakin ang isang photo album and a cellphone nakatago sa may safety locker. Alam kong sentimental na tao si Sean pero sa mga nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko. I felt like he still loves Sammy. The way he act, the way he treats me and all of these pictures.
Lahat na lang ng bagay na makita ko sa kaniya, it keeps on reminding me that Sammy is still the love of his life, na hindi pa siya nakaka-move on sa pagkawala nito. Na hindi niya ako magawang mahalin ng lubusan kasi meron pang Sammy na nasa puso niya hanggang ngayon.
******
Naalala ko ‘yung mga litrato nila ni Sammy pati na din ‘yung mga convo sa phone niya. I felt betrayed. Sammy is dead but I still feel like Sean can’t move on. I know that there’s maybe lots of “what if’s” on his part and I don’t know if this feeling is right. Tama ba na pagselosan ko pa ‘yung taong wala na? Pero bakit ganito? Nasasaktan ako na makitang nagluluksa pa din si Sean sa pagkawala ni Sammy at parang hindi pa siya naghe-heal. Ako ‘yung nandito pero iba ang hinahanap ng puso niya.
“Love?” Muntik na kong mapatalon sa gulat nung marinig ko ‘yung boses ni Sean. Dali dali kong binitiwan at binalik ‘yung kuwintas kung saan ko yo’n nakuha.
“Oh, akala ko ba mamaya pa balik mo?” Salubong ko sakaniya.
“May emergency kasi ‘yung ka meeting ko kaya maaga kami na tapos.” Lapit niya naman sa’kin sabay halik sa pisngi ko.
“Okay ka lang? Naiyak ka ba?” Tanong sa akin nung panasin niyang nagpupunas ako ng luha.
Umiling ako at bumalik sa ginawa ko. “Napuwing lang ako.” Dahilan ko pa sa kaniya but i think hindi ko naibalik ng maayos ‘yung locket necklace sa may bulsa ng jacket niya kaya nakita niya iyon.
Rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. “Celestea Elisse.” Tawag niya sa pangalan ko but I chose not to turn and continue what I am doing right now.
“Love.” Tawag pa niyang muli at saka siya lumapit sa’kin at niyakap ako mula sa likuran.
“Do you really wanna know why I am acting this way, Sean?!” I asked while I’m still sobbing.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinarap ko siya. “It’s because of Sammy.”
“Naiintindihan ko naman na naging malaking parte siya ng buhay mo pero bakit mo naman patuloy na pinaparamdam sa’kin na hindi ko siya kayang pantayan o malampasan man lang.”
“Na hanggang ngayon siya pa din ‘yung mahal mo, na kahit wala na siya siya pa din ‘yung nasa puso at isip mo.”
“Hindi lang ikaw, pati ang mama mo. Hindi niya ako matanggap dahil hindi niya matanggap na wala na si Sammy.” Sa mga puntong ito ay hindi ko na napigilan at bumuhos na ang mga luha sa mga mata ko pero tangingin pagtataka lang ang nakikita ko sa mga mata ni Sean.
“Elisse stop being immature over a photo. Litrato lang naman yan bakit ka nagkakaganiyan?!” Mariin nitong reaksyon sa mga sinabi ko. What he said shocked me and it somehow disappoints me hearing those words straight from him.
“Ano? Litrato?!”
“Sa tingin mo ba magkakaganiyan ako dahil lang sa isang litrato?!”
“Sean, come on! Tao ako! At babae ako! Nararamdaman ‘ko sa mga kilos at galaw mo ang totoong nararamdaman mo.” Mariin kong sagot sa kaniya.
“At lahat.. LAHAT ng kilos at galaw mo ay may ibig sabihin at lahat ng yo’n ay konektado palagi kay Sammy.” Mariin ko pang paalala sa kaniya.
“You’re being insensitive when it comes to me, Sean. You are being unfair.” Giit ko pa habang seryoso lang siyang nakatingin sa’kin.
“I love you, Elisse.” He whispered and tried to hug me but I refused.
“I’m sorry for making you feel that way but I love you Elisse.” Paghingi niya ng tawad.
“You didn’t love, you just love the fact of being loved by someone while you are still grieving over someone who is already long gone.” Marikn kong tugon sa kaniya at inalis ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.
“Mali talaga na pumayag akong sumama sa’yo sa lugar ‘to. I shouldn’t be here. Sammy should be the one standing in my place, right?” I asked sarcastically.
“This place is your happy place with Sammy after all.” I sarcastically added.
“Love.. no.”
“It wasn’t my intention to make you feel that way pero mahal kita, Elisse. You are the reason why I survived that devastating phase of my life at kung pati ikaw mawawala sa’kin, hindi ko kakayanin.” Mariing wika niya pero wala akong nararamdamang senseridad sa mga salitang binibitawan niya.
“Ano bang puwede kong gawin para makabawi sa’yo?” Mahinahon niyang pakiusap sa’kin.
“Let’s cool off.” Wala sa sarili kong sagot sa kaniya at naglakad ako papalabas ng kuwartong tinutuluyan namin. Narinig ko siyang tinawag ang pangalan ko ng ilang beses pero hindi niya man ako sinundan at parang mas pabor pa nga sa kaniya ang gusto kong mangyari eh.
Nasa dalampasigan ako nung napag-isip isip kong tawagan si Kierra para magpasundo sa kaniya balik sa manila.
Tanging cellphone ko lang kasi ang nadala ko at ayoko naman bumalik sa kuwarto kung saan kami nakatuloy ni Sean at ayoko muna siyang makita.
I can’t call Kierra kaya I decided to send her a voicemail. “Kierra, please sunduin mo ko dito.” I send via voicemail. Ten minutes later and I received a respond from Kierra.
“What’s happening, girl?!” I’ll be there, hintayin mo ko.” Magpapanic niyang sabi mula sa kabilang linya.
Nanghihina ako at nangangatog ang mga tuhof ko. Tanging ang malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa mga balat ko. Sunset hours na at dapat kasama ko ngayon si Sean eh kaso eto ako mag isa.
Makalipas ang higit dalawang oras ay nakarating na din si Kierra sa kinaroroonan ko. “Teh, anong nangyari?! Bakit ka nandiyan?!” Mariing bungad ni Kierra nung makita niyang nasa harapan ng dalampasipagan at umiiyak.
“Nag away kami ni Sean.”
“I broke up with him.” I sobbed as I explained to Kierra what happened. Bakas sa mukha niya ang gulat at inis.
“Pagod na’ko na maging anino lang ng isang babaing matagal ng patay at napayapa.” Saad ko pa kay Kierra na sa mga puntong ito ay tahimik lang na nakikinig sa’kin.
“And you are here, alone? Ni hindi ka man lang niya sinundan?!” Mariing tanong niya.
“Tarantado yo’n ah! Hinayaan ko lang niya?! What if hindi mo dala yang cellphone mo at wala kang matawagan at hindi ako nakapunta dito?! Paano kung napahamak ka?!” Sunod sunod na reklamong tanong niya.
“I just wanna get out of this place, Kierra.” Halos pabulong kong hiling sa kaniya.
“Dapat lang, do’n ka muna sa condo ko mag-stay.” Mariin suhestyon naman nito at saka niya ako inalalayan patayo.
Pakiramdam ko nag iinit ang mga pisngi ko at nilalamig ako. Kanina pa namumugto ang mga mata ko kakaiyak.
“You’re sick, Elisse, kailangan na nating makabalik sa manila ASAP.” I heard Kierra said bago niya ako alalayang makapasok sa sasakyan niya.
Nasa loob na kami ng kotse at dahan dahan ng pinapaandar ni Kierra ang sasakyan niya nung may matanaw ako sa di kalayuan habang nakatingin ako sa may bintana. “Sammy.” I whispered at parang bumalik ako sa ulirat nung makita ko siya.
Hindi ako puwedeng magkamali sa nakita ko si Sammy yo’n! Buhay siya at nasa Isla Hermosa Paraiso siya, nasa iisang lugar lang sila ni Sean kaya hindi malabong magkita sila.
Hindi ko alam pero kung totoong si Sammy nga yo’n siguro ay tama lang ang naging desisyon kong dumistansya muna kay Sean kesa naman makita ko siyang unti unting umalis sa tabi ko ngayong bumalik na ‘yung babaing mahal na mahal niya. Kesa naman makita ko pang harap harapan niyanv piliin si Sammy kesa sa’kin. Ano bang laban ko do’n eh first girlfriend yo’n.
Hindi ko alam pero parang tumindi ‘yung taas ng lagnat ko. Para bang hindi ko na alam kung nagha-hallucinate ba ko o ano. Unti unti kong pinikit ang mga mata ako hanggang sa makaramdam akong ng antok.