HANGGANG sa makapasok sila ng unit ay walang kibuan ang dalawa. Nanatili silang magkahawak-kamay hanggang sa magkatabi silang naupo sa sofa. Naunang magpakawala ng hininga si Bernard bago bumaling kay Tori. Alanganin namang sinalubong ng dalaga ang tingin niya sa paraang nakikisimpatya. Hindi ito nagtanong. Ni hindi ito nagsalita. Tanging ang mga mata lang nila ang nag-usap sa mahigit sigurong isang minuto na magkatitigan sila. Siya ang hindi nakatiis at bumasag ng katahimikan sa pagitan nila. Isa pa uling malalim na hininga ang pinaalpas niya bago ngumiti habang pisil-pisil ang kamay ng dalaga. “Hindi ko alam kung saan mag-uumpisa—” “Don’t say anything, Bernard. You don’t have to,” pigil nito sa kaniya sa tangka niyang pagpapaliwanag sa kung ano nga ba ang puno’t dulo ng nangyari kanin

