HALOS mag-isang guhit ang mga kilay ni Tori pagkabukas niya ng front door ng bahay niya at bumungad sa kaniya ang nagsusumamong mukha ni Harold. Naiiling na inalis niya ang bara sa kaniyang lalamunan at nagbuga ng hangin mula sa kaniyang dibdib bago nagtanong sa kaharap. “W-What are you doing here?” Maging siya ay halos hindi mahinuha ang sariling tanong dahil sa hina ng pagkakaalpas niyon mula sa bibig niya. Humakbang palapit sa kaniya ang kaibigan bago nito hinawakan ang magkabilang braso niya. “Tori—” “Lasing ka ba?” Agad na tanong niya rito nang maamoy ang hininga nito. His face was flushed and his eyes was sleepy. Tumawa ito nang bahaw bago tumalungko at mas inilapit pa ang mukha sa kaniya. Awtomatiko naman siya napaatras ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa dalaw

