ISANG halik sa labi niya ang nagpamulat kay Tori. Nakangiting mukha ni Bernard ang nabungaran niya. Nakaupo ito sa sahig at nakapatong ang dalawang braso sa kama niya habang ang baba ay nasa ibabaw niyon atang mga mata ay tila ba bituing nagniningning na nakatitig sa kaniya. “I don’t wanna wake you up pero gabi na at kailangang malamnan ng pagkain ang tiyan mo. Dumaan kanina si Penelope at kinuha ang certificate. She also brought some slices of cake for dessert.,” anito bago hinaplos nang banayad ang mukha niya gamit ang hinlalaki. “Don’t worry about Harold, I’ll make sure na hindi siya makakalapit sa iyo,” anito. Kapansin-pansin ang pagtiim ng mga bagang at pagkunot ng noo. She should be happy dahil alam niyang may taong 0magpo-protekta sa kaniya, pero hindi iyon ang nararamdaman niya.

