CHAPTER EIGHTY-THREE

2809 Words

NAGISING si Tori sa mga boses na nagtatalo sa labas ng kuwarto niya. Masakit ang ulo niya marahil dala ng ginawa niyang pagtangis kagabi. Wala ring laman ang sikmura niya bagama’t hindi siya makaramdam ng gutom. Mas gusto lang niyang humilata sa kama at magpakalunod sa pagtulog. Kahit paano ay gusto niyang kumawala sa reyalidad. Pasalamat lang talaga siya at wala siyang natatandaang sumaglit sa panag-inip niya si Bernard kagabi. Masyado na sigurong napagod ang utak niya kakaisip kagabi kahit pa nga blangko naman iyon at walang mahinuha na isipin laban sa ginawa sa kaniya ni Bernard. Nang silipin niya ang pintuan niya ay nakasarado iyon. Ibig sabihin, halos magsigawan na sina Bernard at ang kausap nito na hindi niya masyadong maulinigan. Pupungas-pungas ang mata niya na bumangon siya at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD