MARAHANG ibinaba ni Bernard si Tori sa kama nito. Bahagya pa itong umungol bago tumagilid ng higa patalikod sa kaniya saka hinablot ang isang unan at niyakap iyon. He heaved a sigh while staring at her back. Nasa isip pa rin niya ang mga sinabi ng dalaga kanina habang buhat niya ito papalabas ng bar… nang inakala nitong siya si Harold. Bahagyang tumiim ang bagang niya saka siya muling nagpakawala nang marahas na hininga pagdaka’y kinumutan ang dalaga. Nagseselos siya. Sobra. Bagama’t alam na naman niya ang damdamin ni Tori para sa kaniya at kahit na nga ba ramdam din naman niya na mahal siya nito lalo’t makailang ulit na rin itong tumutugon sa kaniya sa tuwing sinasabihan niya itong mahal niya ito, iba pa rin ang dating sa kaniya ng sinabi nito kanina sap ag-aakalang siya si Harold. “I w

