BUMALIK si Bernard sa suite na inookopa ng pamilya niya matapos niyang kalmahin ang sarili. Naroon na ang kapatid niyang si Harold at kumakain ng kakanin na dala ng Lola Anita nila mula pa sa Mindoro. “There’s the groom!” masayang bati nito sa kaniya at saka umahon sa pagkakaupo at sinalubong siya ng yakap. “O, akala ko ba’y may binibili ka?” nagtatakang tanong sa kaniya ng mommy niya nang makitang wala siyang bitbit na kahit na ano. “Ah… ibinigay ko na po kay Tori,” pagsisinungaling niya saka umiwas ng tingin sa mga naroon pagkuwa’y kumuha ng sapin-sapin at kinain iyon bago siya umupo sa sofa. “Are you nervous? Like for real?” tudyo sa kaniya ng kapatid matapos siyang tabihan sa sofa. “It’s just normal to be anxious and have a wedding jitter when you’re getting married, Harold. Wai

