ILANG katok ang ginawa ni Bernard bago siya pinagbuksan ni Maritoni ng pintuan ng honeymoon suite. “I-I’m sorry, Bernard. I told her not to do that. I thought—” agad nitong paumanhin sa kaniya. Bakas sa mukha ng babae ang labis na pag-aalala habang tangan nito ang cellphone ni Tori. “Ano ba’ng sinabi niya sa ‘yo?” nagtatakang tanong niya. Mabilis niyang ipininid ang pintuan habang maang na nakatingin kay Maritoni. “S-She…” Humugot ito ng hininga. Tila ba tinitimbang kung sasabihin sa kaniya ang sinabi rito ni Tori. “Tell me, Marie… please…” pakiusap niya. “She wanted to run away. Ayaw niyang ituloy ang kasal. I asked Michael for help. Buti at hindi pa siya nakakalis pagkahatid niya sa akin. He’s at the security office now checking the CCTVs,” pagtatapat nito na ikinagilalas niya.

