“TORI…” untag ni Bernard kay Tori makaraan ang ilang sandaling pagtayo at kunot-noong pagtingin ng dalaga sa lahat ng mga naroon sa hapag. “Are you all right, hija?” nag-aalalang tanong ng mommy niya habang nakatingala kay Tori. Tila naman noon natauhan ang dalaga at namumula ang mukhang iginala ang mata sa mga naroon sa lamesa at nakatanghod rito. Maging ang waiter na naroon at nagsasalin ng tubig sa mga baso nila ay nagtataka ring nakatingin sa dalaga. “Baby…” muling tawag niya rito saka niya pinisil nang banayad ang kamay nitong gagap niya. “Are you still not feeling well?” Sinadya niyang iparinig ang huling tinuran sa mga naroon bago siya tumayo at saka dumukwang sa tapat mismo ng mukha nito at mataman niya itong tinitigan. “May dinaramdam ka ba, hija?” muling tanong ng mommy niya

