CHAPTER SEVENTY-FIVE

2201 Words

“MAGKUWENTUHAN muna kayo. Maghahain lang ako,” makalipas ang limang minuto mula nang dumating sina Maritoni at ang nobyo nitong si Michael ay wika ni Bernard. “Tulungan na kita,” presinta naman ni Michael na kasabay niyang umahon sa pagkakaupo sa sofa. “Kumusta naman kayo ni Marie?” habang nagsasandok ng ginisang munggo ay usisa niya kay Michael na noon ay kumukuha naman ng mga plato mula sa cabinet. “Okay naman. Napakabait at matured mag-isip kaya wala kaming problema. Hindi rin selosa at naiintindihan ang trabaho ko,” tugon nito sa nagniningning na mga mata. Halatang in love ang lalaki na hindi rin napigilan ang sarili na sulyapan ang nobya na noon ay seryoso namang nakikipag-usap kay Tori. “Ikaw? Kayo ni Tori? Papalapit na nang papalapit ang kasal ninyo, sigurado akong pareho kayong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD