TORI pushed Bernard as much as she could, several times. Hindi niya dapat hayaan ang sarili na magpadala sa init ng halik nito. Hindi siya dapat magpadala sa matatamis na salita nito. Hindi siya dapat magpadala sa nararamdaman niya. She needed to do something to stop him from losing herself again. Sa wakas ay nawala ang pagkakahugpong ng mga labi nila. Kapwa sila hinihingal habang magkahinang ang mga mata nila. ‘Think, Tori. Think!’ naghuhumiyaw na sabi ng utak niya habang nakatitig sa lalaki. She heaved a sigh then let go sharply. “No one owns me but myself. Don’t get ahead of yourself, Bernard. Hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo ang gusto mo dahil lang sa halik mo! I’m warning you. This will be the last time you will kiss me without my permission. Ulitin mo pa ito and I wi

