Kabanata 1: Paalam, Manila
Maaga kaming gumising ni Yaya para pumunta sa bus station. Sasakay kami ng bus papuntang Baguio. Nandito kami ngayon sa isang maliit na hotel. Dito raw gustong tumira ng bago niyang mga amo dahil sanay sila sa malamig na klima. Marami rin daw silang iba't ibang property sa Pilipinas.
Umupo na kami ni Yaya sa bandang gitna.
"Nanny, wait. Sabi mo Korean lang ang lahi ng bago mong mga amo, 'di ba? Marunong ba silang mag-English?" naalala ko kasing karamihan sa mga Korean ay hindi gaanong fluent sa Tagalog at English.
"Bata ka talaga! Kahit full Korean ang tatay nila, pusong Pilipino naman 'yon. Kaya nga nag-asawa siya ng Pilipina. Ang alam ko, half-Korean din ang napangasawa niya."
"Errr... how about their children?"
"Hmm... ang alam ko, dalawang lalaki ang anak nila, at pareho raw guwapo," sabi nito habang kinikiliti pa ako.
"Sus, Nanny! As if naman na magugustuhan nila ako sa hitsura kong 'to?" Napanguso na lang ako.
"Oo nga, 'no? Hahaha! 'Wag kang mag-alala. May kamukha ka namang sikat."
"Really? Who?" excited kong tanong.
"E 'di si Dora!" pang-iinis ni Nanny sabay malakas na tawa.
"Nanny naman, eh!"
"Biro lang, anak. Ikaw naman. Pinapatawa lang kita," sabi niya habang naka-peace sign pa.
"Hay, buhay..." nasabi ko na lang.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.
Hindi ko mapigilang balikan ang dahilan kung bakit kinailangan kong tumakas at maging katulong.
Nagtaka ako nang ipatawag ako nina Dad at Mom sa office. Agad naman akong pumunta. Pagpasok ko pa lang ay nahalata ko nang may mabigat na tensiyon sa paligid.
"Hey, Dad. Mom. What's up?" tanong ko. Ganito kasi kami—parang magkakaibigan lang.
Huminga muna nang malalim si Daddy bago nagsalita.
"Hija, listen to me, and listen very well."
Seryoso ang mukha niya kaya medyo kinabahan ako. Tahimik lang akong tumango.
"I want you to know that you're getting married as soon as dumating ang anak ng best friend ko. It's been arranged since bata ka pa lang. I know you're only twenty, pero I'm not getting any younger, hija. And you're my only daughter."
Hindi na pumasok sa isip ko ang iba pa niyang sinabi. Ang tumatak lang sa utak ko ay ang mga salitang...
You're getting married!
Ilang minuto rin akong natahimik. Paulit-ulit lang na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon.
"What? No way, Dad! Ang bata ko pa! Hindi pa ako tapos mag-aral!"
Bumaling ako kay Mommy. "Mom!"
"I'm sorry, anak. Wala na akong magagawa. Para rin naman sa'yo ito."
"No! Hindi ako papayag! I'm only twenty! Malapit na akong maka-graduate! I will decide for myself—when to get married at kung sino ang pakakasalan ko!"
Pagkasabi ko no'n ay dumiretso na ako sa kuwarto at nagkulong. Umiyak lang ako nang umiyak.
"No! You can't do this to me! I hate you both! I hate you both!" sabi ko sa pagitan ng paghikbi.
"Ayoko... ayoko..."
Narinig ko na lang na may kumatok sa pinto.
"Eleina, please. Listen to us. Please try to understand. This is for your own good," narinig kong sabi ni Papa.
"No, I won't! Kahit kailan ay hindi ko kayo maiintindihan!"
"Anak, please. Makinig ka sa'min ng Dad mo, anak," pakiusap naman ni Mommy. Ramdam na ramdam ko ang pagmamakaawa sa boses niya.
"I don't want to see you both!"
Ilang sandali ring tumahimik. Akala ko ay umalis na sila, ngunit narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto.
"I said I don't want to talk to you! I don't even want to see you!"
Tumayo ako upang harapin sila.
"Anak, please. Don't shout. We love you, at ito lang ang alam naming makakabuti sa'yo," sabi ni Mommy.
Tumulo na naman ang mga luha ko. "No, you don't! You don't love me! I hate you both!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na ginawa ni Papa.
Napahawak na lamang ako sa pisngi ko nang sampalin niya ako. Hindi ako makapaniwala habang masama ko siyang tinitigan.
"'Huwag na huwag mo kaming pagtataasan ng boses dahil kami pa rin ang mga magulang mo!" galit na sabi ni Papa.
"I hate you!" umiiyak kong sigaw bago ako tumakbo papasok ng banyo at doon tuluyang humagulgol.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasigawan at nasampal ni Papa. Ngayon lang.
At napakasakit pala.
Pero sa kabila ng lahat, iisa lang ang naging pasya ko. Hindi ako magpapakasal.
Over my dead body.
Kaya isang paraan lang ang naisip ko—ang lumayas.
Sumama ako kay Nanny nang umalis siya. Alam kong doon magsisimula ang panibagong yugto ng buhay ko.
At ngayon nga, mula sa pagiging senyorita ay magiging katulong na lamang ako.
Masakit sa damdamin at mahirap tanggapin, pero kailangan kong mabuhay. Kailangan kong tanggapin na iba na ang kapalaran ko ngayon.
Habang bumibiyahe, nakatulog ako. Apat hanggang limang oras din kasi ang biyahe papunta rito.
Paalam, Manila. Bye, Dad. Bye, Mom.
I love you both... even though I feel like you don't love me anymore.