Walwalan na naman!!! Straight kong ininom ang limang shots ng tequila ng walang chaser, ganon ako eh kaya ang daming humahanga saakin.
"Oh my babe dahan dahan naman sa pag inom di yan tubig!!" well thats not my boyfriend cause i dont have one. Thats Shantel my bestfriend since i was born.
"You know what uminom ka nalang din at sasayaw na ako!!"Napa haystt na lang siya saakin. Di kasi siya walwalera like me but she's my best buddy when it comes to travelling and roadtrip.
Para saakin di ako lasing kasi alam ko lahat ng ginagawa ko at kampante ako na di ako pababayaan ng bestfriend ko. Sumasabay ako sa lahat ng taong sumasayaw at kung kailangan kong idikit ang katawan ko ginagawa ko. Tinataasan ko lang ng kilay ang lahat ng mga babaeng titingin saakin, Na iinsecure sila sa ganda na meron ako dahil lahat na ng lalaki nakapaligid sa akin, they probably want to taste me but nahhhh im not a food.
Nang ma inis na ako ay umalis na kaagad ako sa gitna ng dance floor. Pano ba naman kasi di ma iinis eh yung kamay ng isang lalaki nasa bewang ko na, gwapo siya but he's not my type at para hindi na rin ako ang star of the night at mapagbigyan naman ang mga kawawa.
Pagkabalik ko sa couch na roon pa rin ang bestfriend ko, drinking cocktail di kasi mataas alcohol tolerance niya unlike me na kahit buong araw pa kaya kong labanan kahit lalaki pa kaharap ko sa inuman.
"Babe lets go to korea this saturday!!" sumisigaw siya para marinig ko dahil ang lakas lakas ng music at yung boses ng bestfriend ko mahinhin na mahina alam mo yung batang ayaw mapagalitan sa klase yan ganon siya.
Last week pa yung last travel namin eh at wala pa ngang check yung korea sa bucket list namin kaya G ako.
"Yeah sure ikaw na bahala sa ticket natin, use my card" ayaw ko na siya ang gumagastos dahil gusto ko ako ang mag babayad at alam niya na wala siyang magagawa kapag sinabi ko.
"Okay but i'll pay for the hotel!!" s**t sana sinama ko nalang yun kanina nung sinabi ko na ako yung sa ticket.
"Dont choose expensive hotel kung ayaw mong mag isang matutulog dun!!"
"Why?? Ikaw nga eh lahat expensive hulaan ko you'll choose business class ticket!!" Alam na alam niya talaga. Well for her its unfair nga pero yun ang gusto ko eh at least dun man lang maipakita ko na importante siya saakin kaya di ko siya papagastusin ng malaki. Ganyan ako na bestfriend.
"Babe just save your money for the things that you want to buy okay?? Wag nang mag reklamo kakagatin ko braso mo!!" At di nga siya nag reklamo takot ata na makagat, wala naman akong rabis eh arte lang tskkk.
Iniwan ko nalang ulit siya ng makita ko na may papalapit na guy na nakatingin sakanya. I cant blame those guy na nasa kanya yung paningin dahil maganda ang bestfriend ko matalino at mabait pa unlike me maganda na walwalera lang pero matalino din naman ako kaso di matino.
Bantay na bantay ako sa bawat galaw ng lalaki habang naka tayo sa gilid ng bar counter habang may hawak na Vermouth. Baka siya pa ang makatuluyan ng bestfriend ko but lets see kung magugustuhan ba siya ng isang Shantel Amery.
Umupo sa harap niya ang lalaki halatang nagpapakilala dahil naglahad ng kamay but i saw the other side of my bestfriend. Tinignan niya lang ito at tinaasan ng kilay halatang ayaw yung lalaki kaya napahiya naman itong nagbaba ng kamay. Yan ganyan ang bestfriend ko kapag ayaw niya sa lalaki. Walang nagawang damoves yung guy at umalis na lang ito kaya lumapit na lang ulit ako sa kay shantel.
"Who's that guy babe??" i ask na kunwari ngayon ko lang nakita yung nangyari.
"Random guy asking for my name and my number" Sanay na siya sa ganon dahil palaging nangyayari yun sakanya kapag nag aya ako ng bar o gala.
"Lets go home na i know na di ka pa lasing pero inaantok na ako." Pagkasabi niya ng inaantok napahikab kaya siya kaya napilitan nga akong umuwi.
Siya ang nagdrive dahil ayaw niyang magtiwala saakin, marami parin daw kasi akong na inom kahit di naman ako lasing. Iisa lang ang tinitirahan namin, pinayagan kami ng parents namin na mag sama sa iisang condo basta daw wag lang kami mag away, pero di kami bata para mag away pa kaya ang saya saya namin na makakawala na kami sa bahay namin. Ayaw ni shantel sa bahay nila dahil daw sa husband ng ate niya na binabastos siya, naalala ko tuloy na binugbog ko yung lalaking yun ng palahim at ako naman ayaw ko dun sa bahay dahil wala naman akong kasama dun palaging busy si mom and dad kaya mas mabuti ng ganito.
Pag dating sa condo pinark niya lang yung sasakyan ko sa tabi ng sasakyan niya at todo alalay pa siya saakin ng papunta na kami sa elevator.
"Babe di ako lasing okay?? di ako mahina" minsan mabait at minsan masungit ganyan siya pagdating saakin.
"I know baka masubsob ka lang sa floor!" okay wala nga akong boyfriend pero meron naman akong overprotective na bestfriend.
Nauna na siyang nag lakad saakin dahil nasa kanya ang susi 15th floor kami kaya ang ganda ng view dito sa unit namin, tanaw na tanaw yung mga nagagandahan na city lights.
"Go to the bathroom and clean yourself before you go to sleep, magbabasa muna ako"
"Yes mommy!!" parang nanay na kung umasta ngayon.
Ginawa ko naman ang sinabi niya at natulog na rin dahil bigla akong tinamaan ng antok nag laan nalang ako ng space sakanya dahil tabi kami matulog.