Chapter 17

892 Words
Simula nung araw nang kasal na yun palagi na lang akong sinasaktan ni Dale at mas maraming babae na ngayon yung pinapapasok niya sa bahay. Nakakasakal ang buhay na ganito kaya ayaw na ayaw ko magpaligaw noon eh kasi alam kong di pwedeng hindi mauwi sa ganito, Kahit ni isang beses ni hindi ko man lang magawang lumaban sakanya. Di ko inakala na sakabila ng ugaling meron ako mararanasan at mararanasan ko pa talagang masaktan. Ewan yung dating ako na palaban naging mahina na ngayon. At yung pagiging mahina ko di ko alam kung anong rason. Dapat nga eh sa lahat ng mga nararanasan ko iisipin kong maging malakas ako at makayanan kong labanan yung asawa ko, kaso iniisip pa lang nanghihina na kaagad yung potanginang katawan ko. Kagaya ng dati yung katawan ko puno na naman ng mga pasa at sugat kakasampal at sapak niya saakin. Di ako punching bag pero yun na yata yung tingin niya saakin. Dahan dahan ang paggalaw ko pababa ng hagdan dahil isang maling hakbang ko lang paniguradong ilang segundo lang baba na kaagad ako. Kusina kaagad ang pinuntahan ko dahil nandun ang mga kasambahay na naglilinis at nagluluto. "Cassidrelle iha, kumain kana at makapagpahinga ulit. Wala dito yung demonyong asawa mo" "Bakit wala manang??Asan pumunta??" bat ko ba hinahanap dapat nga magpasalamat na lang ako na wala siya dito sa bahay eh, kaya nagtaka si manang kung bakit ko nga ba hinahanap. "Yung narinig ko lang iha may pupuntahan daw siya, yung sa babaeng pinapahanap niya ba. Ewan ko ba basta yun lang yung narinig ko" Hindi pa pala siya tapos sa paghahanap sa babaeng yun. "Ahm manang mamaya nalang ako kakain may titignan lang ako saglit" gusto kong makita kung may panibagong sobre na naman na naglalaman ng mga pictures ng babaeng hinahanap niya kaya sa office niya ako pumunta. Lahat ng gamit niya nakaayos walang folder ang lumalagpas o kumakalat kaya dahan dahan lang yung pagkuha ko. Tinignan ko isa isa yung mga folder kung nakaipit ba dun pero lahat walang nakaipit na pictures o sobre. Sinunod kong buksan yung drawer niya at una kong nakita yung susi ng kotse ko. Alam kong akin yun dahil may keychain pa dun na pangalan ko, kung gugustuhin ko palang tumakas ay pwede ko tong nakawin. Sa loob ng drawer may isa pang box kaya yun yung binuksan ko. Baril, baril yung tumambad saakin kaya parang nanlamig yung buong katawan ko sa iniisip ko. Sinasaktan pa lang ako ngayon, pero paano kung babarilin na ako sa susunod?? Sa ilalim ng baril na yun nakita ko yung mga pictures na sobrang dami at halatang bagong kuha dahil hindi ito yung mga pictures na nakita ko dati, iba sila at halatang nasa ibang bansa din. Isa isa kong binalik yung mga litrato at dahan dahan ding ibinalik yung baril sa loob ng kahon. Di ko alam na may ganon pala siyang tinatago sa opisina niya. Bawat galaw ko ay mabilis pero dahan dahan dahil baka may magalaw ako at mabasag, hindi pwedeng aakuin ng mga maid na sila ang gumawa nun dahil pinagbabawalan sila ni Dale na pumasok dun. Pagkabalik ko sa dining area ang daming pumapasok sa isip ko kagaya ng para saan yung baril na yun? Nakita na ba niya yung babaeng dati niya pa hinahanap?? Anong koneksyon nila?? Haggang kailan ako masasaktan?? Sa sobrang dami ng iniisip ko di ko namalayan na tinitignan na pala ako ng apat na maid namin. "Ang lalim ng iniisip mo maam Cassidrelle ah" "Nasisid mo manang??" pamilosopo ko sakanya kaya natawa nalang yung iba. "Sabayan niyo akong kumain, dalian niyo mawawalan ako ng gana kapag di kayu sumunod" Seryuso ang pagkasabi ko nun kaya walang segundo segundo naka upo na kaagad sila sa harapan ko. Maliit lang na kanin at ulam yung kinuha ko dahil ayaw kong tumaba at diet naman talaga ako. Yung mga kaharap ko naman ang dami dami nilang pinagkukuha. "Manang Fe turuan mo ako ulit mag bake mamaya" si manang fe yung palaging nagtututo saakin mag bake, at dahil wala akong ginagawa kaya pampalipas oras ko na rin at libangan ito minsan. "Sige po maam" "Gusto niyo po maam turuan ko kayo mag kamay??" mag kamay kumain?? Sasawayin ko na sana sila at sasabihan ng table manners kaso tuturuan ba naman ako. At parang masaya nga yung ginagawa nila. "Masarap po maam kumain kapag naka kamay" masarap?? dahil nalalasahan ba yung kamay?? Pero alam kong nakapaghugas naman sila ng kamay kaya malinis naman, yung pagkakain lang talaga yung hindi malinis tignan. "Wag na manang ann" Ako ang unang natapos sakanila kaya ako rin nag unang tumayo. Nakasanayan ko na sa sink kaagad didiretso yung pinagkainan kaya di ko na hinahantay pa na yung mga maid ang maglalagay dun kaya palagi akong nagkukusa. Mamayang 2pm pa kami mag babake ni yaya kaya matutulog muna ako. Nag alarm na rin ako para hindi lumagpas yung oras. Kagaya ng dati sa sofa ulit ako natulog. Di pa tumunog yung alarm ko pero nagigising na kaagad ako dahil sa nararamdaman ko na may humahaplos at humahawak sa ibang parte ng katawan ko. Akala ko si dale pero hindi, ang dami nila. Sobrang daming mga lalaki na nakapaligid saakin. Gusto kong sumigaw ngunit tinakpan nila yung bibig ko. Di ko alam kung paano sila nakapasok at anong gagawin nila saakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD