Ngayong araw daw ako pwedeng makauwi sabi ng doctor kaya nagaayos na sila manang ng mga gamit ko, malapit na naman akong umuwi sa bahay ng impyerno.
1 week and 3 days ang kinatagal ko dito sa hospital at sa tagal ko na yun dito akala ko di ko siya makikita kaso palagi ba naman bumibisita dito. Di ko alam kung anong rason niya para bisitahin ako, Baka tinitignan lang kung magaling na ba ako at pwede na ulit ulitin yung ginawa nila saakin. Baka chineck lang kung pwede na ba ako ulit gawing punching bag niya mismo, sarap kong suntokin, sampalin at sikmuraan eh.
Ni hindi ko man lang nagawang makita ulit si Shantel at di ko pa siya nakakausap at kung sakaling ipagpaalam ko yun kay dale paniguradong hospital na naman ang sunod kong pupuntahan kaya alam ko sa sarili ko na hindi magtatagal at gagawin ko na ang planong nabuo ko sa isip ko.
Kagaya ng sabi ko kapag gusto natin ang mga nangyayari napakabagal ng oras pero kapag ayaw naman natin sobrang bilis.Hindi nagkakatugma dahil nagkakasalungat. Lalo na ngayong babalik na ako sobrang bilis ng oras dahil nasa harap na ulit ako ng bahay na nagsilbing impyerno ng buhay ko.
Nanuna ng makapasok ang tatlong maid samantalang nagpaiwan si manang fe dahil gusto niyang alalayan niya akong makaakyat sa taas kahit sinabi kong di na kailangan.
Kinakabahan ako ng mapalapit na ako sa kwarto, kahit kasal na kasi kami di parin nakabukas yung ibang kwarto sa bahay na to at hindi na ata mangyayari na mabuksan pa yun. Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ko yung doornob ng pinto na agad ko namang binawi.
"Iha?? Gusto mo bang wag muna pumasok?? Nanginginig yung kamay mo eh" kaninong kamay ang hindi manginginig kapag pumapasok sa isip niya na bubuksan na naman niya ang pinto na nagpakahirap sakanya, na kung saan niya naranasan ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
"Hindi manang, papasok ako kailangan ko narin magpahinga" papasok ako kahit nakakatakot
Siya na mismo ang bumukas ng pinto para saakin. Akala ko nung una walang tao, akala ko wala si dale pero nagkamali ako dahil nandun siya sa kama upo at may hawak na litrato na kung hindi ako nagkakamali ay litrato yun ng babaeng pinapahanap niya. Nang makita niya ako ay agad niya yun binaba atsaka siya na mismo ang kumuha ng kamay ko kay manang at siya na rin mismo ang umalalay saakin. Parang may kung anong kumiliti saakin ng dahil sa ginawa niya, hanggang ngayon di ko parin alam kung ano bang pakiramdam yun dahil parang bago kasi saakin.
Nang makaalis na si manang dun ko na binawi ang mga kamay ko sakanya at ako na mismo ang nagasikaso sa sarili ko. Di pa sana siya magpapatalo dahil inayos niya yung higaan sa tabi niya, yung dati kong hinihigaan dahil akala niya dun ako hihiga pero nagkamali siya dahil sa sofa ako mismo humiga.
Huminga siya ng malalim na halatang maririnig ko pero di ko siya pinansin. Tinalikuran ko lang siya at ipipikit na sana ang mga mata kaso nagulat ako ng may mga kamay na biglang bumuhat saakin.
"Ano ba!! ibaba mo nga ako!!" di siya nakinig saakin, di rin siya nagreklamo. Dahan dahan niya akong binaba sa kama at kinumutan. Nagtinginan pa nga sa mga mata, Ang ganda ng mga mata niya yung tipong lalasunin ka at mamamatay ka pero ako na kaagad ang umiwas saaming dalawa.
"Kukunan kita ng pagkain....kumain ka bago matulog" di ako umoo at di rin ako humindi . Bakit parang nag iba?? may pagsisisi bang naganap??
Di ako sanay sa mga pinapakita niya, Yun yung inaasahan ko na pagtrato niya saakin unang dating ko palang dito pero iba ang pinakita niya at huli na to. Kasal kami pero wala ng magbabago. Kasal lang kami sa papel dahil siya na mismo ang nagsabi na pwede kaming ikasal pero hindi ko siya asawa at maaari kong gamitin ang apelyido niya pero hindi niya ako asawa.
Pagkabalik niya may dala siyang tray na naglalaman ng maraming prutas. Akala ko ibababa niya yun sa table na nasa gilid ko pero nagkakamali ako dahil umupo siya sa tabi ko at siya mismo ang sumubo nun saakin.
"Eat Cassidrelle" eat?? edi kumain sabi niya eh
Pagkatapos niya akong subuan, sinusubuan niya rin ang sarili niya gamit ang parehong tinidor na ginamit niya sa pagsubo saakin. Di ba siya nadidirihan?? May laway ko yun.
Walang nagsasalita saamin tanging pagsubo niya lang saakin ng pagkain ang nangyayari sa apat na sulok ng kwartong to at walang ibang marinig kungdi ang ingay ng bowl at tinidor.
Minsan na rin kaming magkakatinginan sa mata ngunit ako na agad yung umiiwas mahirap na dahil para saakin lason ang mga matang yun at Nakakamatay lalo na yung may ari nun dahil kayang kayang pumatay nun.
Pagkatapos naming maubos yung mga prutas kumuha siya kaagad ng tubig, akala ko ulit ibibigay niya lang yun saakin at ako na mismo magpapainom sa sarili ko pero akala lang yun dahil siya mismo ang nag pa inom saakin at di niya tinatantanan ang mga mata ko dahil pilit niya itong hinuhuli.
"Cassidrelle.....please look into my eyes." nakakamatay ang mga mata mo paano ko titignan?? Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mga mata niyang sobrang ganda pero nakakalason
Dahan dahan kong inangat ang paningin ko kaya nag tagpo ang mga mata namin.
"Sorry..." pagkatapos niyang sabihin yun hinalikan niya kaagad ako sa noo at umalis dala ang pinagkainan namin.
Band aids dont fix bullet holes
you say sorry just for show.....