1
Ilang taon na rin ang lumipas simula noong makarecover ako sa speech disorder. It was hard, at first. Pero kung pursigido ka talaga ay kakayanin kahit mahirap. Walang araw na hindi ako humihinto sa pagdadasal, nakasanayan ko na ata ito simula pagkabata. Ito rin ang turo sa akin ni Ate Zoey noon. Kasi ang pagiging maka-Diyos daw ang magkokonekta sa aming mga puso kahit na anong mangyari. Ito rin daw ang daan upang pakinggan ng Diyos ang lahat ng aming hinanaing sa buhay. And she was right. I felt connected to my sister whenever I'd pray and talk to God. He's may savior for all of this tragedy that I am encountering. At hindi niya ako pinababayaan kahit na kailanman. I'm still blessed.
Hindi ako naniwalang iniwan kami noon ni Ate bago pa ako gumaling sa sakit ko. Mahal ni Ate si Kuya Zachary kaya imposibleng iwan niya si Kuya. At hindi ako magagawang, iwan ni Ate ng ganoon na lang. I know she has a reason why she does that. Nagpapasalamat ako dahil ganoon din ang paniniwala ni Kuya Zachary kaya naman hindi niya inisip na iniwan siya ni Ate Zoey, bagkus ay nag-hire siya ng mga tao upang ipahanap ang Ate ko at sinigurado niya sa aking mahahanap niya si Ate.
I'm always crying every night before I go to sleep because I missed my sister. Wala yatang gabi na hindi ako umiyak, at walang araw na hindi ko kinalimutang hilingin sa Diyos na sana ay magkita na kami ng Ate ko. Gusto ko siyang makasama at makausap. Gusto kong sabihin sa kaniya na magaling na ako. Na natupad na ang pangarap niya sa akin. Nasuklian na ang paghihirap niya para sa akin. Magaling na ako. Nagbunga ang lahat ng paghihirap naming dalawa ni Ate noon.
All thanks to Kuya Zachary and Tito Xachie because they never left me. But things are really hard for us because I was kidnapped by someone I didn't know. It was a guy, that's all I know.
Nangyari ang lahat noong nasa america kami ni Tito Xachie. Akala namin is safe na dahil maraming tauhan ni Kuya Zachary ang nagbantay sa amin pero nagkamali kami. Nakuha pa rin ako ng mga taong nais dumukot sa akin.
and then after a year, nalaman kong si Selena pala ang may pakana ng lahat. Ang secretary ni Kuya Zachary. Isa siya sa nagpadukot sa akin. kasabwat niya ang isang lalaki.
"Kelly! Wake up! Damn it."
Nagising ako habol-habol ang aking hininga. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang mahigpit na nakahawak kay, Marc. He doesn't want me to call him by his name but I don't want to call him Kuya so I didn't bother to call him at all. I prefer to call him Marc rather than Kuya. Kaya naman sa isip ko lang siya tinatawag.
"Tangina naman. Tumatae ako, Kelly. Ginulat mo ako. Ayusin mo ang nabasag na baso pag nahimasmasan ka na. Kailangan ko nang bumalik sa banyo. Putspa! Hindi pa ako nakakapaghugas ng puwet!" reklamo niya pagkatapos akong bitiwan sa higaan.
"Ikaw pala ang nangangamoy." sabi ko sa kaniya. Medyo okay na ako. Pinunasan ko ang pawisan kong noo dahil sa masama kong napanaginipan kanina. Mayroon banyo dito sa kwarto namin kaya hindi na ako nagtaka kung bakit galing siya sa pagtae.
"Ang arte. Hindi mo ba narinig sinabi ko kanina? Hindi pa ako nakakapaghugas. Hindi pa nga ako tapos tumae, wag mo akong bigyan ng ganiyang mukha. Walang mabangong tae." sabi niya. Umayos siya ng tayo niya bago bumalik sa kubeta. He is not wearing any top shirts that's why I saw his perfect body freely. Manipis lang din ang suot niyang boxer kaya siguro nangamoy. "Ang arte amp!" narinig ko pang sabi niya bago tuluyang makapasok sa banyo.
Hindi ko na lang siya pinansin. Sanay na ako sa ingay niya. Minsan mas malala pa ang ka-dugyutan niya kapag wala siyang magawa. He's not a man you would wish to have for. There's nothing really special to him except for being a good man. Siguro naman kahit doon tama ako sa pagkatao niya, hindi niya ako tutulungan kung hindi siya mabuting tao. Wala naman siyang mapapala sa akin kaya I guess, he's really a good person for helping me to the bad guys.
Ang sama na siguro ng ugali ko for not respecting him because he was older than me. Obviously, he was older than me for about 12 years. and he was the one who requested me not to act accordingly. So I have the right to treat him like I was at his age. Though alam ko pa ring mali dahil nasa akin ang desisyon kung pakikitunguhan ko siya ng base sa age namin. Dapat ginagalang ko siya dahil mas matanda siya sa akin pero heto ako nakikipag-usap sa kaniya na parang ka-age ko lang siya.
Just like what I've said, mabunganga si Marc. Hindi iyan titigil kakaputak hanggang hindi sinusunod ang gusto niya. Kaya naman heto ako, hindi siya ginagalang. Mas gusto niya atang hindi ginagalang kaysa sa ginagalang siya. Pero gusto niyang tawagin ko siyang Kuya at huwag lang basta sa pangalan. May pagkasaltik din ata siya o baliktad lang talaga siya mag-isip. I don't know. It's his problem not mine anymore.
"Success!" narinig kong sigaw ni Marc bago bumukas ang pinto ng banyo. "O, bakit hindi ka pa rin natutulog? Takte, hindi mo pa naayos ang nabasag mong baso? Naknang! Ako pa rin ba mag-aayos niyan para sa iyo?" hindi na maipinta ang hitsura niya dahil sa pagreklamo.
"Hindi ko alam kung nasaan ang dustpan and broom. Saka last time na pinag-ayos mo rin ako ng nabasag kong Mug nahiwa ako and you got angry because of that. So, do you really want me to clean this? Are you really really sure?"
"Fine, get some sleep. I'll do the work. Again. And again and again." mabibigat ang paang kinuha niya ang dustpan at broom. "How come she doesn't know where these are hidden? Of course, she knew about it." he tsked. "Tamad lang talaga kumilos ang isang bata diyan," parinig niya pa sa akin.
Sa inis ko tumayo ako at kinuha sa kaniya ang walis at pandakot. "Move, I'll do it."
Kinuha niya ulit sa akin iyon. "Hindi mo ba nakitang hawak ko na? Ibig sabihin ako na ang gagawa. Humiga ka na ulit sa kama. Arte amp."
Inirapan ko siya bago ako bumalik sa pagkakahiga. Nakakairita talaga itong lalaki na 'to. Walang araw na hindi kami nagtatalo dahil dinaig pa niya ang babae sa kadaldalan. Minsan gusto ko na lang tapalan ng damit ang bibig niya para magtigil na siya.
"Don't stare at me, kiddo. I know I'm hot without my t-shirt so there's no need for you to drop your jaw. You're being obvious about my hotness." this man's really proud of himself. He's really smug!
"As if I did, you're an old man. There's nothing good about your body. Stop being a boastful, old man." I lied. I turned my back on him, switching my position, and then closed my eyes. I should get some sleep before I admire him for so long. I shouldn't think about his perfect face and perfect body. I shouldn't fantasize about him. I'm still young and innocent. I must act accordingly for once and for all. I shouldn't be attracted to someone like him. I really shouldn't. I should focus on my study.
"Old man? I am not that old! I told you to call me Kuya!" he tsked. "Itong brat na 'to. Palibhasa wala ka pang alam sa mga ganitong katawan. Hindi mo alam sandamakmak na babae ang gustong makahawak at makatikim dito." inis na inis niyang sinasabi. "Pasalamat kang bata ka.." hindi ko na narinig pa ang sinasabi niya.
Dahil mabilis akong makatulog, pagkapikit ko ay ilang sandali pa'y nakatulog na ako. Kaya naman hindi ko na naunawan pa kung anong sinasabi ni Marc. Napakadaldal niya talaga.