I will just check him once. He has a fever that's why I need to take care of him just like what he was doing to me for so many months. Kaya naman kahit ayaw ng isip ko, pinilit pa rin ng katawan ko ang silipin si Marc sa kwarto niya para dalhan ng makakakain. Tapos na ang shift ni Katarina dahil pang gabi rin siya kaya wala na siya dito sa malaking bahay. Dapat nga hanggang eight am lang siya pero tanghali na siya nakauwi. Nakauwang ang pinto ng kwarto ni Marc kaya malaya akong makakapasok doon. Pero napatigil ako sa pagpasok dahil narinig ko siyang may kausap. "Paul, alam mong ito na ang araw na hinihintay ko! Makikita at makakasama ko nang muli si ate at ang mga pamangkin ko! Maibabalik ko na rin si Kelly sa ate niya! Ito na 'yun, Paul." mahina pero mariin ang pananalita ni Marc. Alam

