"Ikaw Michael, mula sa araw na ito hindi ka na puwede makipagkita sa babaeng 'yan! Kung ayaw n'yong parehong mabubulok sa kulungan! Naiintindihan mo?" baling nito sa kaniyang asawa. "Michael, hindi! huwag kang pumayag! Paano na ako? Paano na tayo? Paano ang anak mo?" baling ni Janeth kay Michael. "Hayop ka Maxine! Huwag mong bilugin ang ulo ni Michael! Lumabas ka na! Sa ‘kin na si Michael!" binara ni Michael si Janeth para tumigil na ito. "Janeth walang tayo! At kahit kailan walang tayo. Please. . . Umalis kana. Maxine, promise gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Uuwi na ako sa bahay, namimiss ko na kayo ng mga anak natin." Lumapit si Michael kay Maxine at hinawakan niya ang mukha ng kanyang asawa. "Puwede ba kitang mayakap Maxine? Miss na miss na kita, asawa ko." "Yes, Michael puwede."

