Umiyak na lang si Janeth, wala siyang magawa dahil kinulong siya ni Ivy. Hindi niya alam kung anong mga plano nito. Ang iniisip ni Janeth baka kung anong gagawin ni Ivy sa kanyang anak. Nagsisisi siya kung ‘Bat pumayag siya na gamitin ni Ivy. Nasilaw kasi siya sa pera na binayad sa kanya ni Ivy. Hindi niya iniisip na ganito pala ang kabayaran sa kanyang pagsira sa pagmamahalan ni Maxine at Michael. CHAPTER 31 3 YEARS LATER "Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas. Papapasukin ko po ba?" saad ni Carla na secretary ni Michael. "Yes Carla, papasukin mo. Sino ba yan?" pagbukas ng pinto nagulat si Michael sa kanyang nakita at natulala siya dahil hindi siya makapaniwala. "Michael kumusta ka na? Nandito ako para ipakilala ko sa ‘yo ang baby natin. Siya si Yvonne, babae siya Michael. Siya ang

