"Albert, naririnig mo ba ako? bakit ka umiiyak? Sige na Albert, sabihin mo kay Fatima na sa America muna kayo. Ayaw kong may isa sa inyo na mawala sa buhay ko please." "Maxine tama na huh. Sige mag-uusap tayo kapag okay ka na. Sa ngayon magpagaling ka muna, okay?" wika ni Albert.Tinitigan ni Maxine ang mukha ni Albert. "Maxine, bakit?" tanong ni Albert. "I'm sorry, I'm sorry, Albert I'm sorry." humagulgol nang iyak si Maxine. Naawa si Albert sa sitwasyon nito. Sunog pa ang katawan ni Maxine dahil sa pagsabog nang bomba. "Max, tama na." niyakap ni Albert si Maxine at humagulgol nang iyak si Maxine sa kanyang dibdib. Napahikbi na rin si Albert sa sobrang sakit na nawala sa kanya si Fatima at kung paano niya sasabihin kay Maxine ang totoo. Na patay na ang kaniyang bestfriend. **********

