"Kriminal ka Ivy, pati ang asawa ni Albert namatay dahil sa 'yo! Ang anak nila muntik mong pinatay! Pinatay mo ang mommy ni Janeth! Pinapapatay mo rin si Janeth at ninakaw mo ang anak namin! Demonyo ka! ‘Bat di ka na lang namatay noon pa? Nakapaghasik ka pa ng lagim! Dapat nasa impyerno ka na!" sinipa ni Michael si Ivy at inapakan ni Michael ang kanyang tiyan. Nagdilim ang paningin ni Michael at sinuntok suntok niya ang mukha ni Ivy hanggang nawalan ito ng Malay. Kumuha siya ng mainit na tubig gamit ang kanyang cup at binuhos niya sa mukha ni Ivy. Nagising si Ivy, namilipit ito, at nagsisigaw sa sakit at hapdi. "Michael hayop ka! Anong ginawa mo? Pinaso mo ang mukha ko! Hayop ka Michael! Magbabayad ka sa ginawa mo sa 'kin!" "Bakit Ivy, mukha mo ba 'yan? Ninakaw mo lang 'yan sa iba 'di

