Mag-isa lang si Maxine sa opisina dahil may ka-meeting si Albert. Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto. "Maxine! Hayop kang babae ka! Hayop ka! Saan mo dinala ang anak ko! Saan mo dinala ang babaeng 'yon!" sigaw ni Ivy kay Maxine. "Hahaha, Ivy welcome back. Paano ka nakalabas sa CR? Doon ka nababagay sa mabahong lugar! Katulad ng pagkatao mo, umaalingasaw ang amoy mo! Akala mo ba ipapakita ko sila sa demonyong katulad mo? kriminal ka! Pinatay mo ang mommy ni Janeth! Akala mo hindi ko alam na matagal mo na kaming pinaiikot sa madumi mong kamay?" saad ni Maxine. "Hayop ka Maxine! Halika dito!" hinablot ni Ivy ang buhok ni Maxine pero nahawakan ni Maxine ang gunting at sinaksak niya si Ivy sa kamay kaya nabitawan ang kanyang buhok. "Sige Ivy, subukan mo akong saktan ulit! Tingnan nat

