Tumakbo si Maxine sa taas at ni-lock niya ang pinto. Naiwang mag-isa si Michael sa sala na galit na galit. Lumabas na si Michael at sumakay sa kanyang kotse. Samantalang si Maxine ay iyak pa rin ng iyak dahil sa mga salitang binitawan ni Michael sa kaniya. Hindi niya masabi ang totoong dahilan dahil ayaw niyang mapahamak si Michael pero sa ginawa niya mas lalong magugulo ang lahat dahil nagalit si Michael at posibleng gagawin niya ang kanyang mga sinasabi. "I'm sorry Michael, pero hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo ang dahilan. Natatakot ako na baka mapahamak ka kung malalaman mo ang totoo. Kahit ang katumbas nito ay kamuhian mo ako at tuluyan nang mawala ang pagmamahal mo sa 'kin." walang tigil sa pagtulo ang mga luha ni Maxine habang nakahiga sa kanyang kama. *** Kinabukasan nag-usap si

