"Salamat Maxine, ang bait-bait mo talaga. Hindi ko ito makakalimutan, habang buhay kong tatanawin na utang na loob ito sa ‘yo. Gusto ko nang makapiling ang anak ko, Maxine. Miss na miss ko na siya. Mag dadalawang taon na siya. Ano na ang hitsura niya Max? Excited na akong mayakap siya. Hindi ko man lang narinig ang unang salitang nabigkas niya. Hindi ko man lang nakita ang unang ngipin niya. Max gusto ko na siyang mayakap, sabik na sabik na ako sa baby ko." umiyak si Janeth habang nagsasalita. Niyakap siya ni Maxine para maibsan ang lungkot nito. Nararamdaman din ni Maxine ang kanyang pangungulila sa kanyang mga anak. "Janeth, maganda ang baby mo. Kamukha n'yo siya ni Michael. Kunting tiis na lang matatapos din ang kasamaan ni Ivy at makakapiling mo na rin ang baby mo." "Maraming salamat

