Chapter Twenty-nine: Dr. Rodney Filoteo’s Point of View “What’s up brother?!” Napaikot na lang ang mata ko ng marinig ang boses ng kapatid ko. Kalalabas ko lang ng kuwarto at boses niya kaagad ang narinig ko. Kung papaano siya nakapasok sa unit ko? Well, ayoko na lang malaman. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang pumunta sa refrigerator ko at binuksan ito. Nakita ko ang isang carton ng milk at agad itong kinuha. Binuksan ko ang cupboard at kinuha ang favorite kong Koko Crunch. “You still love that thing?” tanong niya sa akin at umupo sa tapat ko. Kumuha din siya ng sarili niyang bowl at nagsalin ng cereal. “Yeah. May problema ka ba dito?” I asked at umiling siya. “Wala naman. Hindi ko lang magets kung papaano itong cereal na ito nakakabusog,” sagot niya.

