Chapter Twenty-eight: “So… ano na?” tanong ni Angel sa aming dalawa ni Adam. Kasalukuyan kaming nasa isang café hindi kalayuan sa shop. Hapon na din naman at pasar ana si Angel ng shop ng tumawag sa kanya si Adam at niyaya siyang magkape, but also Adam said na si Angel na mismo ang magyaya sa akin. Sakto namang katatapos lang naming ni Rodel mag-practice ng bachata ng matanggap ko ang text ni Angel. “Bakit ba ang awkward? We used to hang out ‘di ba?’ I said at sumipsip ng java chip frappe na inorder ko. “Kumusta ang work, Adam?” tanobg ko at tumingin naman siya sa akin. “Everything is fine. Everything is normal,” sagot niya at sumubo ng inorder niyang cake. “Well, technically magaan ang work mo dahil jowa mo ang boss mo. Eh ako, halos lahat ako na ang gumagawa dahi

