Chapter Twenty-one: Magdamag na yata ako nakatulala sa kisame ko. Hindi ko nga alam kung nakatulog baa ko o hindi. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na ganoon na lang natapos ang samahan naming tatlo nila Adam. Masakit talagang ipamukha sa sa’yo na mahal niya ang babaeng iyon. Kaya niya palang talikuran ang mga taong nakasama niya ng matagal na panahon para lamang sa babaeng iyon. Kung ako kaya ang girlfriend niya, gan’on din ba ang gagawin niya? Ipaglalaban din ba niya ako? Tumayo na ako at hinawi na ang itim kong curtina. Kaagad na humalik ang sinag ng araw sa balat ko. Binuksan ko ang pinto sa balcony para pumasok ang hangin. Iba pa din talaga ang hangin ng Tagaytay kumpara sa Metro. Pumunta na ako sa kusina para magtimpla ng kape. Binuksan ko ang refrigerator ko a

