Chapter Twenty-two: “Welcome to my dance studio!” sabi niya sa akin pagkapasok naming sa isang studio. Pinagmasdan ko ang paligid. Malaki ito at maaliwalas ang paligid. Nakita ko ang isang poster sa pinto na nakalagay na VIP. “VIP?” tanong ko at ngumiti naman siya. “Yup! This studio is for VIP only!” sabi niya at tumaas naman ang isang kilay ko. “VIP? Magkano ba dito? ‘yung mura lang sana Rodel,” I said at nilapag na ang bag ko sa isang bench. Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako. Masasabi kong hobby niya ang mang-akbay. “Don’t worry my dear Pearly shell! Free dance lessons ka na!” Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Ano? Free? May pambayad naman ako eh!” I said at bahagyang hinampas ang braso niya. “You don’t need to pay for the lessons. Dahil ako

