Chapter Twenty-three: “Okay, just relax. Hindi kita minamanyak,” sabi ni Rodel habang inilalagay niya ang kanyang kamay sa baywang ko. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Hindi ko naman iniisip na manyak siya. I know naman na intimate ang sayaw na ito. Naramdaman ko na ang kamay niya sa baywang ko at hinapit niya ako para mas lalong mapalapit sa kanya. Ramdam ko na tuloy ang hininga niya sa mukha ko. “Baka naman maiinlove ka na sa akin niyan?” sabi niya at s ainis ko at binatukan ko siya. “Magtuturo ka ba o hindi?!” tanong ko at napakamot naman siya sa kanyang ulo. “Ito na. Mapanakit eh,” sabi niya at umayos na siya ng tindig. “First, I feel mo ang beat ng tugtog natin. In bachata, there are 2 positions. Open and close postion. Itong position natin ay close d

