5

1696 Words
“IKAW na, Gabbie! Ikaw na talaga,” sabi ni Alexandra sa kanya. “Ako na ang alin?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya rito. “Ikaw na ang maldita,” sabi naman ni Francesca. Inilapag ni Sabrina sa harap nila ang isang maliit na basket na puno ng cupcakes. Napatingin siya roon at agad na naglaway. Nag-uunahan namang nagsikuha ang mga kaibigan niya. It had been ages since the last time she had one. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa cleansing juice niya. Hindi siya magpapadaig sa tukso. “Ayaw mo?” alok sa kanya ni Sabrina. Inilapit pa nito sa kanya ang isang cupcake. “Masarap `to. Ako pa mismo ang nag-bake.” She firmly shook her head. Natawa ang tatlong kaibigan niya. Kung hindi ba naman demonyita ang mga ito, alam ng mga ito na iniiwasan na niya ang mga ganoong pagkain, tinatakam pa siyang lalo ng mga ito. Nasa kusina silang apat ni Sabrina. Doon na sila nagkita-kita dahil magluluto raw ang huli para sa kanila. Na-miss marahil ng mga ito na magsama-sama sa isang bahay. Nakilala niya sina Sabrina, Alexandra, at Francesca sa Baguio noong mag kolehiyo siya. Nangupahan sila noon sa iisang apartment na malapit sa university na pare-pareho nilang pinasukan. Galing sila sa magkakaibang probinsiya. Galing siya ng Ilocos Norte. Taga-Pangasinan si Francesca, taga-Tarlac si Alexandra, at taga-Maynila naman si Sabrina. Dahil magkakaiba sila ng personalidad ay hindi agad sila nagkasundo, ngunit nagawa rin nilang pakisamahan ang isa’t isa. Nang maglaon ay nagawa nilang tanggapin ang pagkakaiba nila. They became the best of friends. Hindi na sila nagkahiwa-hiwalay hanggang sa matapos sila ng kolehiyo. Kahit may  kanya-kanya na silang mga buhay ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang samahan nila. Nagsasama-sama pa rin sila tuwing may pagkakataon sila. Nang malaman ng mga ito ang nangyari sa kanila ni Bobby ay pilit siyang pinapunta ng mga ito sa bahay ni Sabrina. Alam niyang may mga kinanselang trabaho at lakad ang mga ito upang makasama siya sa pag-aakalang kailangan niya ng comfort. Kahit sigurado siya na hindi niya kailangan ng comfort, na-touch pa rin siya sa effort ng mga ito. “Masyado kang seryoso diyan sa pagiging healthy mo kuno,” ani Alexandra bago kumagat sa cupcake nito. “Hindi naman masamang tumikim paminsan-minsan. Here, have some soda.” Pinuno nito ng Coke ang tall glass na nasa harap niya. “Hindi mo naman kailangang magpapayat pa,” sabi naman ni Francesca na mabilis na naubos ang isang cupcake. Kaagad itong umabot ng isa pa. “Ang payat-payat mo na.” Gabrielle rolled her eyes. “Iniiwasan ko lang ang mga pagkaing hindi makabubuti sa katawan. Hindi na ako bumabata, bah.” “It’s okay to cheat once in a while,” ani Sabrina. Umiling siya. “I can’t cheat. Makakasanayan ko `yon hanggang sa makumbinsi ko ang sarili kong okay ngang talaga ang mandaya.” “You don’t look healthy to me,” ani Alexandra. “You’re too thin and too pale. Mukha ka ring pagod na pagod at stress na stress.” “Hindi masamang magpahinga,” dagdag naman ni Francesca. Tumango si Sabrina. “Bakit hindi ka muna magbakasyon? Relax and unwind. Puro ka na lang trabaho.” “Pinapunta n’yo ba ako rito para sermunan o damayan sa breakup ko?” Inismiran siya ni Francesca. “Bakit, brokenhearted ka ba? Mas nakakaawa nga sina Bobby at Anna.” Sabay na tumawa sina Alexandra at Sabrina. “Korek!” sabay ring sabi ng mga ito. “Ako ba ang kaibigan n’yo o si Bobby?” “Ikaw!” sagot ni Alexandra. “Pero, Gabbie, you’re too much naman, eh. Mas maigi pa yatang nagwala ka na lang. O kaya sinabunutan mo. Pinagsasampal mo na lang sana si Bobby.” Hindi niya maintindihan ang nais nitong iparating sa kanya. “You know I’m not that kind of girl, Alex. Hindi ako nananampal at nananabunot. Hindi ako kailanman naging bayolente.” “We know,” sabi ni Sabrina. “You’re cool and composed.” “Confident and arrog—elegant,” dagdag ni Francesca. “You don’t stoop down to their level,” pagtatapos ni Alexandra. Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksiyon ng mga ito sa ginawa niya. “Teka nga, mas gusto n’yo ba talagang sinampal at sinabunutan ko silang dalawa? Mas gusto n’yong magwala ako na para bang si Bobby lang ang lalaki sa mundo at napakalaki niyang kawalan para sa `kin? Naging mabait nga ako sa kanila kung tutuusin. Ang dali nilang nakawala. Pinalagpas ko pa ang mga sinabi niya sa `kin. Kung tinopak ako, di sana idinamay ko na rin ang mommy ni Bobby.” Masidhi siyang tinitigan ng mga kaibigan niya. Nabasa niya ang lungkot sa mga mata ng mga ito. Normal iyon dahil natagpuan niyang kinakalantari ng nobyo niya ang assistant nito. Normal na makisimpatya ang mga ito sa kanya. “Tell her what’s wrong with her, Alex,” ani Francesca. Huminga nang malalim si Alexandra. Pare-pareho silang prangka. Sinasabi nila ang mga nasa isip nila kesehodang makasakit sila ng damdamin ng iba. “What has happened to you, Gabbie?” “Huh?” tanong niya. That was it? Bumuntong-hininga si Alexandra. “Yes. Mas gusto naming manampal at manabunot ka. Gusto naming umiyak ka at magwala nang magwala. Mas gusto naming sumigaw ka hanggang sa mapaos ka. Dahil normal na reaksiyon iyon ng isang babaeng pinagtaksilan ng boyfriend. We’d rather have our normal friend back.” Halos mag-isang-linya na ang mga kilay niya. “You want your normal friend back? Hindi na ba ako normal?” Sabay-sabay na tumango ang tatlo. “Alam mo, maiintindihan namin kung ginawa at sinabi mo ang mga bagay na iyon dahil gusto mong panatilihin ang dignidad at pride mo. Maiintindihan namin kung nagpaka-compose ka sa labas para ipakita sa kanila na matatag kang babae, pero ang totoo ay wasak na wasak ang kalooban mo. But we all know you meant every word you said. Intact ang buong pagkatao mo. Walang nabasag o nasaktan. Nasaling siguro ang pride at ego mo pero `yon lang `yon. Hindi ka brokenhearted. Hindi mo minahal si Bobby. Mas minahal mo ang status niya. You love the fact that his mother is a successful career woman you idolize so much and she likes you. You love the fact that he’s rich and he’s from a well-known family,” litanya sa kanya ni Alexandra. Ilang sandali muna niyang pinroseso sa isip niya ang sinabi ng mga kaibigan niya. Then she shrugged nonchalantly. “Tama naman kayo. May mali ba ro’n?” “Where did love and romance go?” Sabrina muttered. Napailing-iling si Gabrielle. Love and romance. Sabrina had been happily married to Ylak for years. Naiintindihan niya kung bakit masyado nitong pinahahalagahan ang mga ganoong bagay. Ngunit dapat ay naiintindihan din nito kung bakit hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Tanggap na niyang hindi lahat ng tao ay pinapalad sa larangang iyon.  Mas maiging maging praktikal na lang siya. “You used to have faith in love,” sabi ni Francesca. “You used to be the girl Bobby wanted. You could cook for a guy. Maasikaso ka at malambing. You nagged. You used to love texting sweet messages. Napakadali para sa `yo na sabihin ang, ‘I love you so much, honey.’ You loved holding hands and kissing. You used to be the typical girl in love. Napakalayo mo na sa babaeng nakilala ko noon. What happened to the hopeless romantic we used to adore?” Pakiramdam niya ay may sumipa sa sikmura niya at nahirapan siyang huminga. She suddenly wanted to curl up into a ball of misery. Namasa ang kanyang mga mata. She wanted to cry but she willed her tears not to fall. “You know what happened to her,” aniya sa malamig na tinig. “She grew up. She learned her lesson the hard way.” Pare-parehong tahimik na tumango ang mga kaibigan niya. “Stay for dinner,” ani Sabrina sa masiglang tinig.  “Magluluto ako. Nasa Cebu si Ylak para sa isang conference. Sa makalawa pa siya babalik.” “I have to go,” aniya bago pa man makatugon sina Francesca at Alexandra sa paanyaya ni Sabrina. “May trabaho akong kailangang gawin.” Hinagkan niya ang mga ito sa pisngi at umalis na. Nakahinga siya nang maluwag nang hayaan siya ng mga ito at hindi na pinilit na manatili. Walang saysay kung mananatili siya hanggang dinner kung hindi rin naman siya kakain ng dinner. Malaki na ang improvement ng culinary skills ni Sabrina. Noon, ito ang hindi marunong magluto sa kanilang apat. Madalas na bumibili ito ng lutong pagkain sa tindahan ng landlady nila. Wala itong alam sa mga gawaing-bahay. Madalas nila itong inaaway dahil doon. Pero nagbago ang lahat nang umibig ito kay Ylak. Marahas siyang napabuntong-hininga. Kahit ano ang gawin niyang iwas at pag-iisip ng ibang bagay, sumisingit pa rin sa isip niya ang isang partikular na tao. Totoo ang sinabi ng mga kaibigan niya. Once upon a time, she was the typical girlfriend Bobby wanted. Sa kanilang apat na magkakaibigan, siya ang inasahang unang mag-aasawa at magpapaka-domestic, hindi si Sabrina. Siya dapat ang nag-iimbita sa mga ito sa warm at cozy niyang bahay. Siya dapat ang palaging nasa kusina at nagbe-bake ng cupcake at nagluluto ng dinner. Siya ang inasahang magkakaroon ng asawang doktor... “Damn it,” she muttered when tears stung her eyes. “Bakit ba ako naiiyak?” naiinis na tanong niya sa sarili. She had been happy for Sabrina. Masaya siya sa buhay na pinili nito. She was also happy with her own life. She was successful and brilliant. She loved what she was doing. Ngayon lang marahil tumitimo sa kanya ang ginawa ni Bobby. Ngayon niya nararamdaman ang pagtataksil nito at p*******t sa kanyang puso kaya naiiyak siya. At hindi dahil kay Agila—that would be so silly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD