UNANG pinuntahan ni Gabrielle ang condo ni Bobby. Habang nasa daan ay sinubukan niyang tawagan ang assistant nito ngunit ayaw niyong sagutin ang tawag niya. Nagtanong muna siya sa guwardiya kung naroon si Bobby upang wala nang masayang na oras. Kung wala ito roon, magtutungo na siya sa bahay ng mga ito. Kilala na siya ng guwardiya kaya ipinaalam agad nito na naroon si Bobby. Kasama raw nito ang assistant nito.
Habang sakay ng elevator ay nabura ang lahat ng pag-aalalang nararamdaman niya. He was okay. Pero nakalimutan nito ang date nila. Paano nito nakalimutan iyon samantalang tumawag pa kanina si Tanya sa assistant nito upang ipaalala?
Nang pagbuksan siya ni Anna, ang assistant ni Bobby, ay iglap na nawala ang inis na nararamdaman niya. Sa katunayan, namanhid ang buong katawan niya. Wala siyang maramdaman at tila tumigil sa paggana ang kanyang isip. Nakatitig lang siya kay Anna na ang tanging saplot ay maliit na tuwalyang nakabalot sa katawan nito. Basa ang buhok nito at halatang katatapos lang nitong maligo.
“Babe, is that the pizza?”
Ilang sandali muna ang lumipas bago rumehistro sa isip ni Gabrielle na tinig ni Bobby ang narinig niya. Bago pa man siya makapag-react ay may pamilyar na mga brasong pumulupot sa katawan ni Anna. Bobby was about to nuzzle Anna’s neck when he saw her. Kaagad na nanlaki ang mga mata nito. The asshole looked so horrified upon seeing her and so was the assistant s***h w***e, open and close parenthesis mistress.
For a moment, she tried to convince herself that this was not happening to her. Na may tumor talaga siya sa utak at naghahalusinasyon lang siya. Bobby would never cheat on her. He was faithful and perfect. He was The One. He was Mr. Right.
What the hell, Gabrielle! Snap out of it! You look so stupid!
“M-Ma’am Gabbie...”
“Gabbie...”
Sabay na inusal ng dalawang taksil ang kanyang pangalan. Itinulak niya ang mga ito at pumasok siya sa loob ng condo unit. By the time she reached the living room, the situation had finally sunk in. Kusang gumana ang isip niya sa pag-iisip ng damage control.
Hindi siya dapat na magpadalos-dalos ng pasya. Hindi na siya teenager na masyadong ideal ang tingin sa mundo. Hindi siya magwawala o iiyak. Hindi siya sisigaw at manunumbat. She would fix this as calmly as possible. Hysteria never helped.
“I’m gonna explain, Gabbie,” prantikong sabi ni Bobby.
Pormal niya itong hinarap. “Of course, Bobby,” aniya sa malumanay at malamig na tinig. Kaswal siyang naupo sa couch at inihanda ang sarili sa pakikinig. “I’m gonna let you explain. I’m all ears. My mind is open.”
Naghintay siya ng mga sasabihin ni Bobby ngunit nakamata lang ito sa kanya. Hindi niya malaman kung namamangha ito habang nakatingin sa kanya o sadyang hindi nito alam kung ano ang unang sasabihin sa kanya.
Hinintay niya itong makapagsalita kahit bahagya na siyang naiinip. We’re wasting time. Pansamantala niyang pinag-aralan ang hitsura ni Anne. She looked terrified. Kahit noong unang beses silang magkita nito ay naramdaman agad niyang intimidated ito sa kanya. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. She looked good. She was beautiful enough.
“I guess I can’t really blame you,” sabi niya kay Bobby. Hindi niya inaalis ang tingin kay Anna. “She’s pretty.” Nang wala pa ring sabihin si Bobby ay binalingan na niya ito. “Okay, let’s not waste more time. I know all the clichés, anyway. It’s not me, it’s you. You’re just a man who has needs and I’m not always available for you. Tinukso ka niya, hindi mo napigilan ang sarili mo. I understand, I truly do. We can just forget about this. Just fire her but give her a huge compensation or consolation... whatever. I don’t wanna see her around.”
Namutla si Anna at tila hindi makapagsalita.
Namula naman sa galit si Bobby. “We’re through, Gabrielle.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Excuse me?” Malinaw niyang narinig ang sinabi nito ngunit hindi niya gaanong naintindihan.
“I’m breaking up with you.”
She laughed. “Seriously?” patuyang sabi niya. “Ipagpapalit mo `ko sa babaeng ito? I’m... offended. Sana ay naghanap ka man lang ng ka-level ko. Iyong karapat-dapat—”
Lalo itong nagpuyos sa galit. “Shut up, Gabbie.”
Tumayo siya. “I’m gonna shut up when I want to shut up. You’re angry when you don’t even have the right to be. You cheated on me and I’m giving you another chance. You should be grateful.” Asshole!
“Nagagalit ako dahil iniinsulto mo ang babaeng mahal ko.”
Natigilan siya ngunit sandaling-sandali lang dahil bigla siyang humagalpak ng tawa. “Really? So, you’ve fallen in love with this girl? Fine. Okay. I understand. See how open-minded I am right now?”
Nabura ang galit sa anyo ni Bobby. “I’m sorry,” sabi nito sa malumanay nang tinig. He looked sincerely apologetic. “Ayokong sa ganito mauwi ang lahat. Humahanap lang talaga ako ng tamang tiyempo para sabihin sa `yo ang tungkol sa `min ni Anna. I like you a lot and you know that. I admire you so much. But I’ve realized that I’m not in love with you.”
Naupo uli siya sa couch. “I’m so much better than she is,” aniya sa malamig na tinig. “I’m a successful career woman. I’m all a man would want for a wife.”
Sinuklay nito ang basang buhok nito patalikod. Frustration was very evident in his eyes. “Can I be honest with you?”
Tumango siya. Nais sana niyang sabihing may gana pa itong tanungin siya niyon samantalang nagsinungaling na ito sa kanya.
“You’re not the woman a guy would want to be his wife. You’re too confident and sometimes arrogant. You’re too cold and bossy. Masyado kang focused sa mga goal mo. Pakiramdam ko, business deal din ang pakikipagrelasyon ko sa `yo. Tuwing magkasama tayo ay tungkol sa negosyo at trabaho ang mas pinag-uusapan natin. You’re never like a real girlfriend. Hindi ka maasikaso. Kailan mo `ko ipinagluto? Kailan mo `ko nilambing? Kahit ang simpleng paglalagay ng pagkain sa plato ko ay hindi mo magawa. You never call or text me with sweet nothings. You never say ‘I love you’ or ‘take care.’ You don’t even nag. You don’t hug me. Even your brief kisses feel cold. I don’t wanna spend the rest of my life with someone like you.”
Dapat ay masaktan siya sa pagiging tapat nito. She waited for the excruciating pain to grip her. Pero hindi iyon dumating. Dapat din ay magalit siya dahil ininsulto siya nito. Ngunit wala siyang makapang galit at sakit sa puso niya. Naisip niyang dapat lang naman dahil hindi karapat-dapat si Bobby sa pag-ibig niya.
Nilapitan niya si Bobby. He stood still. Tila inihanda pa nito ang pisngi nito sa pagdapo ng palad niya. Sinasabi ng isip niya na sampalin niya ito para makaganti naman siya sa panloloko nito at sa masasakit na salitang binitawan nito. Ngunit hindi niya maiangat ang kanyang kamay.
“Okay,” sa halip ay sabi niya. “Wala naman na akong magagawa, hindi ba? Hindi pala ako ang kailangan mo. I liked you, too, Bob. Akala ko ay hindi ka katulad ng ibang mga lalaki. I was wrong. I’m not gonna insult you by enumerating your faults as a boyfriend. I’m not gonna waste my time anymore. You think you’re so much better, di sige. Congratulations on finding a maid.” Tiningnan niya si Anna at nginitian ito. “Uuwi na `ko.”
Malapit na siya sa pinto nang magbago ang isip siya. Huminto siya at lumingon. Ayaw na sana niyang sabihin ang nasa isip niya ngunit hindi niya mapigilan ang sarili.
“Anna? Do you love him?” tanong niya.
Meekly, she nodded. “Yes. I’m sorry.” There were tears in her eyes. “I love him so much.”
“I’m glad. Take good care of him. He’s a special man and he’s been good to me. Love him, cherish him. I’ll be happy knowing he’s happy with the woman he loves.” Marahas siyang napabuntong-hininga. Nabura ang ngiti sa kanyang mga labi. “Iyan ba ang inaasahan mong marinig mula sa `kin? Anna, you’re a fool.”
“Gabbie!”
Hindi niya pinansin si Bobby. “You think he really loves you? Isipin mong maigi ito, Anna. You two went behind my back. Gaano ba kahirap na makipaghiwalay muna sa `kin bago ka niya galawin at pakialaman? You love each other, that’s your lame excuse? Mang-aagaw ka ng pag-aari ng iba dahil nagmahal ka? Kasi kung mahal ka talaga niya, tatapusin muna niya ang lahat sa `min. Hindi man lang ba kayo nahiya sa mga sarili n’yo? Wala ka man lang bang self-preservation? Dinungisan mo ang sarili mo. Masaya ka sa pag-ibig na ganyan? Bakit, paano ka nakasisigurong mahal ka niya talaga? Kasi kung nagawa niya `to sa `kin, magagawa uli niya, hindi ba? Ibinigay mo na ang sarili mo, paano ka makakasiguro ngayon na pakakasalan ka pa niya? Kapag sawa na siya sa `yo, hahanap uli siya ng iba na makakapagbigay ng mga kailangan niya. Ngayon pa nga lang ay hindi na niya maipagmalaki sa iba ang pag-ibig na sinasabi n’yo. Dinala ka niya rito at ikinama. Kung hindi ko pa kayo nahuli, sa palagay mo ay may plano siyang sabihin sa iba ang bawal n’yong relasyon? Hanggang kailan ka niya itatago at tatratuhing kabit?”
“Stop it, Gabbie!”
Hinarap niya si Bobby. Pulang-pula ang mukha nito at tila handa na itong manakal. Pero hindi siya nakaramdam ng takot. “Bakit? Tinatamaan ka? Masakit ba?” Hindi na niya hinintay na makasagot ito, ibinalik niya ang atensiyon kay Anna. “Kaya dumarami ang kabit dahil sa mga katulad mong mahina. Namnamin mo `to, ha? Huwag mong kalilimutan ang panliliit na nararamdaman mo ngayon dahil sa sinasabi mong pag-ibig. Dahil kahit paano n’yo sabihing nagmahal lang kayo, kahit ano pang mga bagay ang sa tingin n’yo ay kakulangan ko, mananatili ang katotohanan na nanloko kayong dalawa. Naging masaya ka ba sa lahat ng patagong sandali na pinagsaluhan n’yo? Pagkatapos ng lahat ng ito, sa palagay mo ay magiging masaya ka pa? Magiging katulad ka pa rin ba ng dati?”
“Get out, Gabrielle!”
Walang salitang lumabas na siya ng pinto. Nasabi na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin. Wala na siyang pakialam kung tumimo man o hindi kay Anna ang lahat ng iyon. Wala na siyang pakialam sa mangyayari dito at kay Bobby.