NAHILOT ni Gabrielle ang sentido niya pagkatapos niyang pindutin ang End call ng kanyang cell phone. Katatapos lang niyang kausapin si Ylak, ang asawa ni Sabrina na mahigit isang dekada na niyang matalik na kaibigan. Ylak was a doctor. Dito siya tumatawag kapag masama ang pakiramdam niya o kung may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan. Maraming pagkakataong alam niyang nakukulitan na ito sa kanya, ngunit patuloy pa rin siyang nagpupunta rito kapag kailangan niya ng medical advice. Dito lang siya nagtitiwala. Dito lang medyo palagay ang loob niya. Hindi rin naman siya nito matiis.
Hindi pa niya nababanggit ang tungkol sa hinala niyang may brain tumor siya. Napaungol siya nang sumigid ang kirot sa kanyang ulo. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
“Are you okay, Ma’am?”
Nagmulat siya ng mga mata. Hindi niya namalayan ang pagpasok sa loob ng sekretarya niyang si Tanya. Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nabanggit niya ang tungkol sa mga nararamdaman niya. Ito pa ang nagsabi sa kanya na tawagan niya ang kaibigan niyang doktor.
“He said I was just stressed.”
“So, you’re okay? Nagtu-twitch pa ba ang forefinger mo? Hindi ka pa rin ba makapag-concentrate? I’ll help you remember things na lang.”
Huminga siya nang malalim bago ngumiti. Nasa opisina siya at hindi niya kailangang magpakita ng kahinaan. “I’ll be fine,” aniya kahit may suspetsa pa rin siyang hindi lang stress ang dahilan ng pagkakaganoon niya. Kung wala siyang Huntington’s Disease, baka nga may brain tumor siya. She really had to visit Ylak. Kailangan ay matingnan siya nito. Magpa-MRI at CT scan na kaya siya?
Tila nakahinga na nang maluwag si Tanya. “Mabuti naman. Nag-aalala ako sa `yo. I’ve been reading terrible articles on the Internet about your symptoms.” Nahawa na ito sa kanya sa pagiging praning niya.
“Don’t worry, Tanya.”
“Alam ko. Ikaw `yan, eh. Alam kong hindi ka basta-basta igugupo ng sakit—kahit pa brain tumor. You’re the strongest woman I know. Kaya mong talunin ang lahat. Kaya mong lagpasan at solusyunan ang lahat ng problemang dumarating sa `yo.”
Ngiti lang ang naitugon niya. Dati ay natutuwa siya tuwing nababasa niya ang paghanga sa mga mata nito. Mula nang magtrabaho ito sa kanya, naging vocal na ito sa paghanga nito sa lahat ng mga achievement niya. Pinaghirapan niyang makapasok sa malaking kompanyang iyon at pinilit niyang umangat nang paunti-unti mula sa mababang posisyon.
Ayaw na niyang balikan ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya. It was all worth it. Narating na niya ang posisyong gusto niya. Siya lang ang babaeng vice president sa kompanya at intimidated ang ilang kalalakihan sa kanya. She often had to keep on proving her worth because of her gender, but she had always managed to impress her boss over the years. Her parents were proud of her. Her brothers were not so vocal about it but she knew they were proud of her, too.
She was proud of herself. Noong bata siya, hindi niya inakalang magiging ganito siya katayog. Noong bata kasi siya, simple lang ang mga pangarap niya.
“I’m going out for lunch. Do you wanna come?” tanong ni Tanya sa kanya.
Umiling siya. “Go ahead,” pagtanggi niya. Ayaw niyang matakam at matukso ng pagkain.
“Oh, right, you’re on a cleansing diet. Can I get you something before I go? Salad, or fish, or anything?”
Umiling siya. “I’m okay. Go ahead.”
“Alam mong mahal kita at hinahangaan nang husto, pero hindi ko maintindihan `yang diet mo. You look so thin na. You should eat more.”
Pinatirik lang niya ang kanyang mga mata at walang sinabing anuman. Hindi siya maintindihan nito dahil ito ang tipo ng babae na maganda pa rin kahit hindi mag-effort. Kahit kumain din ito nang kumain ay hindi tumataba.
Nang magpaalam ito ay agad niyang hinarap ang ilang trabaho niya. Her stomach growled in protest. Hindi niya iyon pinansin nang ilang minuto. Nang hindi na niya kaya ay nilapitan niya ang refrigerator niya at kinuha mula roon ang juice na kailangan niyang inumin.
Then she went back to work. Halos hindi na niya namalayan ang paglipas ng maghapon. Maya’t maya ay sumasakit ang ulo niya ngunit sinikap niyang huwag na lang iyong pansinin.
Pag-uwi niya sa condo unit niya ay ibinagsak niya ang kanyang katawan sa sofa. Nais na sana niyang magpahinga ngunit may date pa siya.
She had a boyfriend—her The One, her Mr. Right, her destiny. His name was Bobby Felix. Anak ito ng presidente ng PR company na pinagtatrabahuhan niya. Nagkakilala sila ni Bobby sa isang party ng mama nito. Nagkakuwentuhan sila at mula noon ay hindi na nila nilubayan ang isa’t isa. May sarili itong garment business na papalago nang papalago. Hindi ito ang tipo ng lalaking maide-describe na drop-dead gorgeous o handsome movie star. He looked okay—exactly what she wanted in a man. Masarap tingnan at hangaan ang mga guwapong lalaki, ngunit hindi praktikal maging nobyo. Abala para sa kanya ang gandang lalaki. Masyadong matakaw ng atensiyon. Masyadong prone sa infidelity.
Bobby was the most perfect man for her. She was determined to marry him. He was responsible, rich, and, had a stable business. Hindi niya kailangang mag-alala sa kinabukasan nila. Mabubuhay sila nang masagana. His parents liked her—hindi pa niya sigurado kung dahil sa husay niya sa trabaho o dahil sa paningin ng mga ito ay siya ang magpapasaya sa unico hijo ng mga ito. Anuman ang rason, ang mahalaga ay gusto siya ng mga ito. Medyo naiilang dito ang pamilya niya dahil intimidated ang mga ito sa yaman ng pamilya ni Bobby. Hindi lang sanay ang mga ito na makasama si Bobby dahil iilang beses pa lang niya itong naisasama sa bahay nila.
Wala siyang naging problema sa relasyon nila ni Bobby. It had always been smooth-sailing. She felt safe and secure with him. Hindi ito demanding sa oras at atensiyon. Lubos nitong naiintindihan ang trabaho niya.
May usapan silang magkita sa paborito nitong restaurant. Hindi maganda ang pakiramdam niya ngunit ayaw rin niyang mag-cancel. Dalawang linggo na niya itong hindi nakikita. He was busy with the expansion of his business. Gusto niyang malaman ang progress niyon. May ilang ideya siyang nais sabihin dito na alam niyang makakatulong dito nang husto.
Tinatamad na tumayo siya at nagtungo sa kanyang silid. Naghanda na siya para sa pagkikita nila ni Bobby. Maaga siyang dumating sa restaurant kaya wala pa roon si Bobby. Habang naghihintay ay sinagot muna niya ang ilang e-mail niya gamit ang kanyang BlackBerry. Nagtaka na siya nang lumipas na ang labinlimang minuto ngunit hindi pa rin dumarating si Bobby. Hindi ito kailanman na-late sa usapan nila. Isa iyon sa mga bagay na nagustuhan niya rito.
Sinubukan niya itong tawagan ngunit nakapatay yata ang cell phone nito. Naghintay muna siya at baka nagkaroon lang ito ng emergency sa negosyo. Baka na-drain ang battery ng cell phone nito kaya hindi siya nito matawagan para sabihing male-late ito ng dating.
She waited for one and a half hours. Iritado na siya ngunit nakakaramdam din siya ng bahagyang pag-aalala. Bobby never stood anybody up—especially her. Hindi rin ito nakakalimot ng appointment. May nangyari bang hindi maganda rito? Did he meet an accident while on his way to her? Was he in the hospital? Kung ano-anong scenario ang pumasok sa kanyang isip.
Paano na siya kung may masama ngang nangyari kay Bobby? Paano na ang mga plano nila? Bago pa man siya tuluyang mabaliw sa pag-iisip, dinampot niya ang kanyang bag at nagmamadaling umalis ng restaurant. Determinado siyang hanapin si Bobby. Nais niyang makasiguro na okay lang ito.