HABANG lumilipas ang mga araw ay lalong nangungulila si Gabrielle kay Agila. Inabala niya ang sarili sa trabaho at sa pagsusulat upang hindi na niya ito gaanong maisip ngunit madalas pa rin niya itong naiisip. Hanggang sa mga panaginip niya ay kasa-kasama niya ito. May mga pagkakataong nais na niyang sumuko at pagbigyan ang sarili na puntahan ito. Laking pasasalamat niya nang tawagan siya ng kanyang ama at pauwiin sa Ilocos sa lalong madaling panahon. Nag-file siya ng leave sa opisina at pinlano ang pag-uwi. Magandang distraction iyon para sa kanya. Ang isa pa ay matagal na siyang hindi nakakauwi at hindi nakakasama ang kanyang pamilya. Madalas na ngang magtampo sa kanya ang mga magulang niya. Bago siya umalis ay nagkita sila ni Bobby. Nalaman niyang nagkabalikan na ito at si Anna at mat

