25

1933 Words

DALAWANG araw lang naging magaan ang pakiramdam ni Gabrielle. Hinahanap-hanap na naman niya ang presensiya ni Agila. Madalas niyang matagpuan ang kanyang sarili na lulong sa pag-iisip dito. Ilang beses na natukso siyang tawagan ito upang alamin ang lagay nito. Idinahilan niya sa kanyang sarili na normal lang na bahagya siyang mag-aalala sa kalagayan nito. Normal na isipin niya ito. Sa kabila ng lahat ng nagawa nito sa kanya, alam niyang mabuting tao si Agila. Alam niyang nahihirapan itong tanggapin ang lahat ng nalaman nito. Paulit-ulit din niyang sinabi sa kanyang sarili na kailangan nito ng panahon. Kailangan nitong mapag-isa. At kailangan nila ng distansiya sa isa’t isa—ayon na rin sa kanya. Hindi niya maaaring kainin ang mga salita niya. Hindi siya maaaring magbago ng desisyon. She

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD