PAGGISING ni Gabrielle kinabukasan ay kakatwang magaan ang pakiramdam niya. Nang tumingin siya sa salamin ay kaagad siyang napangiwi. Namumugto at nananakit ang kanyang mga mata. Halos magdamag siyang umiyak. Halos hindi na niya namalayan ang paghila sa kanya ng antok. Nagdesisyon siyang huwag na munang pumasok sa opisina sa araw na iyon. She was too drained and she needed some time alone. Wala rin siyang matatapos sa opisina kahit pumasok siya. Pagkaligo at pagkatapos niyang kumain ng almusal ay nahiga uli siya sa kama. Niyakap niya ang isang malambot na unan at ipinikit ang nananakit na mga mata. Hindi na siya iiyak, nais lang niyang magpahinga. She was exhausted, and after hours of crying, she felt like an enormous weight had been lifted off her chest. Nakakaramdam siya ng matinding r

