“HOW HAVE you been, Brie?” Ilang sandali muna ang pinalipas ni Gabrielle bago niya sinagot ang tanong ni Agila. “Okay. I’ve been okay all these years.” Nasa hardin silang dalawa. Dinala sila roon ni Sabrina pagkatapos ng hapunan. Alam niyang may hindi magandang plano ang kaibigan niya kaya hindi na siya nagtaka nang iwan sila nito roon upang makapag-catch up naman daw sila. Hindi niya maintindihan kung ano ang nais na mangyari ng kaibigan niya. Hindi niya sigurado kung kakampi pa rin ito o ano. “Just okay?” Marahas siyang napabuga ng hangin. “I’m not really in the mood to talk to you, Agila.” “Then why did you join me here? Bakit hindi mo na lang samahan si Sabrina sa pagliligpit sa kusina?” Naitirik niya ang kanyang mga mata. “Alam mo kung bakit. Alam mo kung bakit tayo narito ngayon

