SI AGILA ang huling taong inasahang makita ni Gabrielle pagdating niya sa bahay nina Ylak at Sabrina. Inimbitahan siya ng mga ito sa hapunan. Ang sabi ni Sabrina ay inimbitahan din nito sina Francesca at Alexandra ngunit kahit anino ng dalawa ay hindi niya makita. May pakiramdam siyang hindi na darating ang mga ito. Malakas din ang pakiramdam niya na nai-set up siya ng magaling niyang kaibigan. “Hi, Brie,” nakangiting bati ni Agila sa kanya. Hindi niya pinansin ang pagbati nito. Sinikap din niyang huwag maapektuhan sa ganda ng ngiti nito ngunit siyempre ay bigo siya. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit ayaw niyang magmukhang duwag at talunan. Ayaw niyang isipin nito na may nadarama pa siya rito at apektado pa siya sa presensiya nito. “Excuse me,” sabi niya kay Ylak bago niya hinila si

