“SORRY, Doc, hindi niya nagustuhan ang mga bulaklak na ipinadala mo.” Hindi napigilan ni Agila ang malungkot at mapabuntong-hininga. Kausap niya sa telepono si Tanya, ang sekretarya ni Gabrielle na nagkataong anak ng pasyente niyang si Mrs. Cruz. Nang magtungo sa Love Clinic si Mrs. Cruz ay kasama nito ang anak nitong dalaga kagaya ng sinabi nito noong huling bisita nito sa kanya. Tila nahiya nga sa kanya si Tanya dahil halatang-halata na inirereto ito ng ina nito sa kanya. Panay ang pambi-build up ni Mrs. Cruz sa anak nito. He indulge her until she mentioned the name of a company that sounded familiar. Sa kaparehong kompanya nagtatrabaho si Gabrielle. Kinuha niya kay Ylak ang company address at phone numbers ni Gabrielle. Nalaman niya mula kay Tanya na sekretarya ito ni Gabrielle. Hin

