NAGMAMADALING nilapitan ni Gabrielle si Agila pagkatapos niyang magpaalam sa mga kalaro niya. Hapon na at dapat ay kanina pa siya nakauwi pero nayaya siyang maglaro ng volleyball ng mga kaibigan niya. Hinihintay rin niya si Agila kaya para hindi siya mainip ay nakipaglaro muna siya. Habang palapit siya rito ay inilabas niya ang face towel niya at sinimulang punasan ang kanyang pawisang mukha. Sana ay hindi siya mangamoy-pawis dahil nakakahiya naman. Pinisil ni Agila ang pisngi niya nang makalapit siya rito. “Namumula ang mukha mo.” Kinuha nito mula sa kanya ang face towel at ito na ang nagpunas sa pawis niya. Mas tinamisan niya ang kanyang ngiti. “Pero maganda pa rin.” “Pinakamaganda sa lahat.” Pakiramdam niya ay lumobo ang puso niya sa sobrang kaligayahan. Lalong nag-init ang mga pis

