bc

Rockstar's Diary "The Locker"

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
BE
opposites attract
second chance
pregnant
drama
serious
campus
lies
rejected
like
intro-logo
Blurb

Si Elsie, isang dalagang lumaki sa Amerika, ay lumipat ng kolehiyo sa Pilipinas upang maranasan ang buhay ng isang tunay na Pilipinong estudyante. Nangako siya sa mga magulang niya na bibigyang halaga ang bawat grado kapalit ng kalayaang ipinagkaloob sa kanya.

Ngunit hindi niya inaasahan na makikilala si Vincent, ang lalaking kabaligtaran ng lahat ng hinahangad niya. Walang direksyon, tila walang ambisyon, at malayong-malayo sa tipo ng kasintahang pinapangarap niya. Sa simula, pagkamuhi at inis ang nangingibabaw.

Hanggang sa unti-unti niyang natuklasan ang likod ng katauhan ni Vincent. Isang pagtuklas na magbabago hindi lamang ng kanyang pananaw, kundi pati na rin ng pintig ng kanyang puso.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kakabukas lang ng isang Kolehiyo De Unibersidad, at sobrang dami ng mga estudyante. Kabadong-kabado si Elsie Trinidad at medyo natatanga, dahil sa hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nakapagtapos kasi siya ng highschool sa Amerika. Hindi naman siya iyong tipong Fil-Am na sosyal sa kadahilanang mag-isa siyang babae sa pamilya at gustong sanayin ang sarili na mag-isa at independent. Maganda man kung susuriin, ngunit sa kalagitnaan wari'y hindi niya alam ang gagawin dahil bago lang siya sa Pilipinas at ito rin ang unang beses na mage-enroll siyang mag-isa. Ito rin ay kagustuhan niya kahit ayaw ng mga kapatid at kaniyang magulang, dahil sa gusto niyang patunayan sa sarili na hindi na niya kailangan ng stage parents at stage brothers. "Miss, p'wede pasingit sa linya?" ito ang saad ng isang babae sa kaniya habang nakalinya siya para magpa-enroll. "Sure! Go ahead," sagot niya rito. "Okay, wait lang, ha. May kasama kasi ako, e. Kung okay lang?" saad muli ng babae bago ito nagmadaling umalis. Bumalik nga ito nang may kasama, ngunit hindi isa kun'di anim na mga kabarkada nito ang tuluyan sumingit na ikinadismaya nga ni Elsie, sapagkat wala ng oras. Malapit na rin kasi ang lunch break at hindi pa siya nakakapagpa-enroll. "Excuse me, Miss. Linya ko 'to!" pagalit na sigaw ni Elsie. "So? E 'di ba nga pumayag ka naman kanina? 'Di ba, guys?" Tumingin ito sa mga kasamahan na ikinatango rin naman ng mga ito. "Akala ko kasi ikaw lang e. Marami ka pa lang kasama," sagot ni Elsie, ngunit imbes na pakinggan ay pinagtawanan pa siya ng mga ito, hanggang sa may kumalabit sa kaniya. "Miss, do'n ka na lang sa puwesto ko. Kasi marami talagang bastos na tao rito," wika ng lalaking nangalabit sa kaniya. Hindi naiwasang magulat ni Elsie nang napalingon siya rito, ngunit kalaunan ay natuwa rin, naging dahilan tuloy iyon ng pagka-pikon ng mga nang-agaw ng linya kay Elsie. Si Vincent Montenegro pala iyon, ang lalaking may mahabang buhok na abot baywang, at may bigote na sinusunod ang porma ni John Lennon nong panahon ng 1980's, at lalong-lalo na ang mukha. Pati salamin nito, hipster na hipster ang dating. Sinunod naman ni Elsie si Vincent, sa pagmamadali ay nasuwertehan siya dahil sa nasa pinakaunang linya si Vincent kasama mga kaibigan o kabanda na mas lalong kinainggit ng mga nang agaw ng linya kay Elsie. Pagkatapos ng Enrollment ay napag-desisyunan na rin ni Elsie na umalis dahil sa pagmamadali. "Hindi ka man lang ba magpapakilala, o magpapasalamat man lang?" tanong ni Vincent sa kaniya. Napahinto at Napatalikod si Elsie. "Okay, thanks. Pero wala na akong time e." Kaagad na tumunog ang kaniyang cellphone na mabilis niya namang sinagot. "Hello, Dad? Ito na, pauwi na ako. Wait niyo 'ko, okay?" "Anak, h'wag na. Nanndito na kami sa Ninoy Airport ng Mommy at mga kapatid mo. Alagaan mo na lang sarili mo. Kumain ka nang mabuti at mag-chat ka sa amin kapag online kami. If may kailangan ka ay sabihin mo lang para mapadalhan ka namin ng pera. Mag-aral ka nang mabuti. Nandoon si Yaya Anding, pati aso mong si Spikey. Pinili mo mag-aral dito sa Pilipinas kaya sana h'wag mo siraan ang pinangako mo. Kaya mo 'yan, mahal ka namin," ani ng papa ni Elsie bago ibinaba ang tawag. Dahil doon, wala sa sariling pumayag si Elsie nang bigla siyang inimbita nina Vincent kumain kasama mga kabanda nito sa labas, ngunit habang nakaupo sila at hinihintay ang in-order na pagkain ay hindi naiwasang titigan ni Vincent si Elsie at siya ay pinagmamasdan. Para kasi siyang takot na takot na hindi makaimik, hanggang sa hindi na ito nakapagpigil at nagsalita na lamang, "Are you guys worth to trust? Baka gahasain niyo pa ako, o ano ang gawin niyo sa 'kin dahil sa tisay ako at ganito magdamit," nasabi bigla ni Elsie nang diretsuhan ang apat na kasama habang namumutla at nanginginig ang labi. Biglang natahimik, at tuluyan nang nagsitawanan ang apat na lalaki. "Sus! Hindi! Grabe ka naman kung mag-isip. Ayan si Roy! Palasimba 'yan at laging may dalang bible," ani ni Vincent sabay hinablot nila ang nakatagong bible sa bag ni Roy at nagtawanan at nagkaasaran pa lalo. "Pakilala ka na Roy," wika ni Vincent. "Um.... Hi! ako si Roy Santos, pasensiya na if long hair ako. Gamit ko kasi Rejoice. Biro lang, Miss Elsie. Hindi talaga kami masasamang tao. Fan ka siguro ng istorya ni Junko Furuta. Ano totoo? Sa katunayan e papasok kami sa Battle of the Bands kaya mukha kaming adik o 'di mapapagkatiwalaan. Ako nga pala ang bahista ng banda. Anak ako ng pastor, kaya sanay ako sa Musika at siyempre madalas sa Misa. Ito naman si Reynold," sabay pakilala nito sa katabi na astig na naka-dreadlocks. "Ako naman si Reynold Agustin. Ang taong grasa ng banda. Joke," saad nito bago tumawa. "Kapatid ko pala si Nano." Tinuro nito ang katabi. "Itong katabi kong kalbo. Siya ang beat ng banda. Ako naman ang gitaristang malupit! May Kaisa-isa kaming kapatid na babae kaya huwag ka matakot Elsie. Gusto mo pakilala ka pa namin sa kaniya at pati sa mga barkada naming babae." Medyo naluwagan si Elsie ng hininga dahil doon. "Gano'n ba? Si Vincent ba? Ano siya sa banda?" tanong ni Elsie. "Ahhh... siya boses ng banda. Astig boses niyan. Siya rin bumuo sa amin dahil sa idol niya ang The beattles band. Tingnan mo naman mukha. Filipinong John Lennon ang dating. Simula bigote hanggang sa buhok. Semi-taong grasa ang looks, men! Tulad ko," ani ni Reynold. Sa loob ng restaurant ay sobrang masayang nakipagkuwentuhan ang dalaga sa apat, pero dahil sa tinatago pa niya na siya ay mayaman, sa paguwi ay nagpahatid siya sa kanila gamit ang kotse ni Roy, pero sa ibang lugar siya bumaba bago siya nagtaxi pauwi sa totoo niyang bahay. Pagdating na pagdating niya ng bahay ay medyo nalungkot siya sa paglisan ng kaniyang pamilya nang biglaan, wala man lang yakap at halik na natanggap sa kanila, hanggang sa dinamayan siya ng aso niyang si Spikey habang siya ay umiiyak. Bigla naman dumating si Anding, ang kaniyang yaya. "Elsie, ako pala ang bagong mong yaya. Ako ang magsisilbing parang ina sa 'yo simula ngayon. Huwag ka mag-alala." Tuluyang nakipagkuwentuhan ang matanda sa bagong dalagang alaga at nagkasundo naman sila kaya medyo huminahon ang loob ni Elsie. Atleast mabait ang bago niyang yaya. Sa mga nagdaang buwan, napanatili niya na laging matataas ang kaniyang grado. Minsan palagi pa siyang nakaka-flat one sa klase. Naging kaklase na rin ni Elsie si Vincent at naging matalik silang magkaibigan. Simula noon, palagi nang nagpapaturo si Vincent ng aralin sa library, at minsan ay nililibre pa niya si Elsie sa kaalamang na hindi mayaman si Elsie, ngunit ang hindi alam ng dalaga ay may malalim na pagtingin si Vincent sa kaniya. Dumating ang araw na malapit na ang battle of the bands. Ikinagulat ni Elsie ng ipinangalan mismo ng binata sa banda nila ang pangalan LC o Lose Control. "Galingan mo na bestfriend! Kayo! Yakang yakang 'yan! Rock and roll!" pasigaw na wika ni Elsie. Bago magsimulang kumanta ang banda ay nagbigay ng maliit na mensahe si Vincent sa manonood, "Gusto ko palang malaman niyong lahat na lalaban kami sa tugtugan na 'to dahil sa palagi ako inspirado sa buhay. Simula nang dumating siya. Parang siya ang kumukumpleto ng lahat. May isang babaeng nagpapatibok sa aking puso, mga kaibigan. Siya rin ang dahilan kung bakit ang pangalan ng banda namin ay ganito, at aaminin ko na ako pumili ng pangalan ng banda. Ngayon ko lang ito sasabihin sa lahat. Ang una ko minahal ay nasa langit, ngunit pagkakita ko sa kaniya ay tila siya ang nasa langit na bumaba para balikan ako. Palagi akong masaya tuwing naririnig ko ang boses niya, hitsura niya, labi. Ngayon, gusto ko sabihin na sa kaniya ang aking nararamdaman, kun'di puputok na itong puso ko. Hindi ako makatulog araw- araw sa kakaisip at minsan umuukit pa siya sa aking panaginip. Nagkakulay muli ang mundo ko dahil sa kaniya. Elsie, alam kong magugulat ka. Gusto ko malaman ng buong tao rito na mahal na mahal na mahal kita. Hindi ko mapigilan damdamin ko para sa 'yo, dahil nakita ko na ang babae na matagal ko nang hinahanap. Masipag mag-aral, malalahanin, malambing, maganda at totoong tao at walang kaarte- arte. Ngiti mo lang tagos na sa ugat na binubuhay ako. Kaya kapag nanalo kami rito sa battle of the bands, iaaalay ko ang award ko para lang sa 'yo, mahal ko!" Hindi pa nagsimulang kumanta si Vincent ay nagwalk-out na si Elsie sa sobrang galit at napaiyak na rin sa inis. Umuwi si Elsie na luhaan dahil hindi niya inaakalang sa loob ng pitong buwan ay mabubura sa isipan niya ang pinagkatiwalaan niyang kaisa-isang kaibigan na lalaki na nagresulta sa isang bawal na pag-ibig. Ni hindi niya pinakinggan kung nanalo man sila o hindi. Umuwi si Elsie na tulala, medyo hindi makapani-paniwala at napayakap bigla sa matanda... "Yaya, 17 pa lang ako at may nagkakagusto sa 'kin, at iyon ang kaibigan kong matalik. Ngayon kinamumunghian ko na siya. Gusto ko sa lalaki gwapo, mayaman, matalino at 'yong halos katulad ko, para hindi ko madismaya ang mga magulang ko sa pagpapaaral nila sa akin dito. Pero sa isang panget na lalaking mukhang adik at nagyoyosi at lahat-lahat. Umaabuso siya. Ayoko na magtiwala pa!" Sinagot siya ni Anding habang pinahihinaon ang dalaga sa pag-iyak, "Sabi ko sa 'yo, anak, pag-aaral muna. Huwag ang love, at magdasal na lang. Ang Diyos lang makakatulong sa 'yo." Simula noon, napakakulit na ni Vincent na pinipilit pa rin bigyan ng kung ano-ano'ng rosas at regalo ang dalaga kahit napapahiya na 'to sa mga tao dahil sa patuloy na pam-busted, pag-iwas at pambabaliwala ng dalaga. Pati mga kabanda nito ay hindi na din pinapansin ni Elsie. Kahit na nanalo pa sila sa Battle of the bands ay parang wala lang kay Elsie at tumutok na lang siya sa pagaaral. Sumikat na rin ng tuloyan ang banda nina Vincent at naging popular, lalo na at sa kanilang unibersidad. Si Elsie naman, patuloy pa rin sa pagtutok sa pag-aaral dahil sa ayaw niyang masawi ang mga pangako niya sa kaniyang mga magulang. Natapos ang 1st year college niya at siya ang may pinakamataas na marka at grado sa kolehiyo, pero panay pa rin ang pagpapapansin sa kaniya ni Vincent at lumalaki na rin ang kainisan nito sa binata at pandidiri na tila madali sa kaniya sigaw-sigawan sa harapan ng maraming tao at pahiyain at sabihin kung gaano kapangit ang dating ng lalaking kaibigan, sinigawan pa niya ito ng adik at taong grasa. Hanggang sa isang araw. . . Ikinatuwa niya nang nalaman niyang umuwi na rin ang bestfriend niya mula pagkabata sa Amerika na si Lucy para samahan din siya mag-aral sa kolehiyo, at para sabay na rin maka-graduate. "Sis, I missed you! Your parents were so proud of you! Pinagyayabang ka nila! Grabe!" sabi ni Lucy. "They were so excited to see you turn as a legal attorney. Haizt! So how's life here in Philippines naman!? Nasa dorm ako ngayon. Gonna join cheering squad na and other interesting activities. Hope they have good one here," patuloy na daldal at kuwento ni Lucy habang lumalarga ang kotse na sinasakyan nila, nang napadaan sila sa sementeryo at nasilayan na naglalakad roon si Vincent at nasulyapan niya sila at ngumiti sabay sumigaw, "Elsie, my loves!" Napatungo at hindi ito muling pinansin ni Elsie. "Elsie, sino 'yon at mukhang interesado sa 'yo?" curious na tanong ni Lucy. "He is a crazy guy who won't stop courting me even how many times I embarrassed and slammed him to the people. Taas ng pangarap, at ako pa, Sis? Look at him?! Hobo looking guy! Look at how he dress. Those hair and huge beards scares me, my gosh!" Umikot ang mata ni Elsie. "Well, he doesn't have a tattoo after all, so I felt wierd. Why don't you try making friends with him? Uy! He is hipster typo!" ani ni Lucy. "Traydor 'yan, bishie. Kaibigan nga kami nagsimula. Hindi ko akalain na inlove na pala siya sa 'kin. Ambisyoso. So no need, Sis. Marami pang lalaki r'yan. Just not him, so disgusting," sagot ni Elsie. "Ah...okay. Pero dapat magka-love life ka na bago ka rito umalis, right?" si Lucy. "With him? Yuck! No way! Gusto ko 'yong guwapo, hindi 'yong pormang taong grasa. Saka aayawan 'yan nina Mommy. Siguro kapag 3rd year college na ako, saka ko i-allow ang pagbo-boyfriend na 'yan. It's just not my thing. Kailangan ko talaga maging MAGNACUMLAUDE at wala nang chance 'yang si Vincent. kinamumuhian ko talaga 'yan. There's no way. Diyos ko!" sabi ni Elsie na pagalit at sinara ang bintana ng sasakyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook