"Mico sa susunod wag kang basta basta pumupunta sa bahay namin ni Dane, My God, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kung nagtanong pa sya sakin" "I'm sorry Callie. Sinusubukan kasi kitang tawagan these past few days at laging busy ang number mo. I sent you an email pero no reply. Tapos nung pumunta ako sa bahay mo wala ka doon, nung nalaman ko sa company niyo na nanganak ka na I wasn't able to visit you dahil hindi ka din nagrereply" Napasapo ako sa mukha ko "Na-Busy ako sa baby at dahil na din kay Dane" paliwanag ko sa kanya, hindi ko na namalayan. Parang nawala din sa isip ko. Masyado akong nagenjoy sa relasyon namin ni Dane lalo na ngayon na kasama na namin si Baby. Lumapit ang waiter sa amin at inilapag ang pagkain sa harap namin ni Atty.Mico "Akala ko nga hindi ka d

