Nagising ako ng magisa sa kwarto. Wala si baby, wala din si Dane maski na sila mama. Matapos kong ipanganak si Baby at mapadede ay nakatulog ako agad. Malakas pa din yung ulan sa labas. Mukhang gabi na din. Hindi ko na namalayan ang oras. Pakiramdam ko sobrang sakit ng katawan ko. Nahihilo ako at masakit ang ulo ko. Pero kahit na ganon ang nararamdaman ko ayos lang, kasi nailabas ko ng maayos at malusog si Baby. Dahan dahan akong naupo, nakaramdam ako ng uhaw kaya napatingin sa baso na nasa kabilang gilid ng kama. Hindi ko abot yon kaya aktong tatayo na ako para kunin yon ng bumukas ang pinto. "Love" Napangiti ako ng makita si Dane. May dala syang tray ng pagkain. "love? Tatayo ka? Maupo ka muna dyan mabibinat ka niyan" "nauuhaw kasi ako, hindi ko maabot yung baso" Dali dali

