"What brought you here, Dahlia. At kasama mo pa si Shanice?" ani ng Ginang na si Levi Montenegro. But still she was so damn, pretty, kung kilala mo si Dawn Zulueta ganyan ang naging angkin balat ni Levi Montenegro ngayon. "May importanteng sadya po sa iyo si Shanice, tita Levi," ani Dahlia. Lumipat ang tingin ni Levi kay Shanice. "What is it, dear?" tanong ni Levi sa dalaga na ngayo'y halatang nagdadalawang-isip kung magsasalita ba ito o hindi. "Tita...,I'm so sorry, h-hindi po sinasadya ni mommy.., a-ako-" naputol ang sinasabi ni Shanice ng humagulgol ito. Tila naman nakaramdam ng matinding kaba si Levi. Ano bang nais na sabihin ni Shanice? Hindi niya napigilan ang sarili, kumunot ang kanyang noo. Hindi niya ito maintindihan. "Paano kita maintindihan kong ganyan ka makipag-usa

